Connect with us

Viral

Isang flight attendant na labis na naapektuhan ang mental health dahil sa pagkawala ng kaniyang trabaho buhat nang mag-pandemya, sinubukan ang pagbebenta ng mga prutas at gulay!

Published

on

Tunay ngang napakahirap nang pinagdaanan nating lahat buhat nang magkaroon ng pandemya. Marami kasi sa atin ang nawalan ng trabaho at marami ding negosyo ang kinailangang magsara dahil sa labis na pagkalugi.

Marami din ang takot na mahawa ng sakit at mamatay kung kaya naman talagang nalimitahan ang napakaraming bagay nitong mga nagdaang taon. Dahil kabi-kabila ang problema na ating kinakaharap ng mga panahong iyon ay hindi maiiwasang maapektuhan talaga ang ating kaisipan o mental health.

Marami kasi atin ang breadwinner din ng ating mga pamilya kung kaya naman talagang iniinda natin ang kawalan ng sapat na panggastos at mapagkakakitaan. Kamakailan lamang ay natunghayan ng publiko ang kwento na ito ng isang flight attendant, siya ay si Em Enrique.

Tulad ng ilang mga Pilipinong nagtatrabaho sa tourism industry ay talagang naapektuhan din siya ng husto. Mayroon naman siyang naipong pera bago pa man magkaroon ng pandemya at mawalan siya ng kabuhayan ngunit kinailangan niya itong gastusin para sa operasyon ng kaniyang ina.

Dahil sa batid niyang matatagalan pa ang problema ng kawalan ng trabaho sa maraming sektor ay nag-isip na siya ng paraan upang hindi na maging malala pa ang kaniyang anxiety. Nagdesisyon siyang magtinda ng gulay at prutas.


Talagang tinangkilik naman ang mga paninda niya online. Sinong mag-aakala na sa loob lamang ng dalawang araw mula nang magtinda sila ng prutas at gulay ay nakapagbenta na sila ng 80 hanggang 100 kilo ng avocado!

Hindi man ganoon kalaki ang kaniyang kinikita sa pagtitinda ng mga ito, masaya pa rin si Em dahil nagkakaroon siya ng mapagkukuhanan ng panggastos nila sa araw-araw. At ito ay dahil na rin sa pagtutulungan nilang pamilya.

Mahirap man ngunit hindi niya piniling sumuko at magtapos na lamang sa pagkabigo ang lahat. Bagkus ay mas nagsumikap siya at nagkaroon ng inspirasyon sa buhay sa kabila ng maraming pagsubok.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.