Connect with us

Viral

Isang nakabalot na regalo ang kinagiliwan ng publiko dahil sa sorpresang hatid nito!

Published

on

Noon pa man ay talagang nakasanayan na nating mga Pilipino ang pagbibigayan ng regalo sa tuwing sasapit ang kapaskuhan. Kahit na mahirap ang buhay o marami tayong problemang kinahaharap ay talagang nagagawa pa rin nating maglaan ng kahit munti at simpleng regalo para sa ating mga mahal sa buhay at malalapit na kaibigan.

Sabi nga ng mga nakatatanda, hindi mahalaga ang sukat o ang presyo ng regalong matatanggap dahil sapat na ang naalala kang bigyan ng regalo ng iyong kaanak o kaibigan. Kamakailan lamang ay marami ang mga netizens na namangha sa isang regalong ito na talagang nakabalot ng husto.

Sa unang tingin palang ay mababanaag mo nang ito ay isang hanger o ilang pirasong hanger. Ngunit laking gulat na lamang ng nakatanggap nito dahil hindi lamang pala ito basta basta isang mumurahing bagay.

Dahil mayroon pa itong sorpresa sa loob! Nang buksan niya kasi ang regalo ay mayroon pa palang perang papel na nakapaloob dito.

Ilang paper bills na P1,000 at P500 ang naroroon kung kaya naman talagang labis siyang nagulat nang makita ang natanggap niyang regalo. Masayang masaya siya at talagang hindi makapaniwala sa sorpresang kaniyang natanggap.

Marami din namang mga netizens ang talagang napa-sana all at nagkomento na hindi dapat husgahan ang anumang bagay dahil lamang sa panglabas na hitsura nito. Bagkus ay mas makabubuting magpasalamat tayo dahil kahit gaano pa kasimple o kamahal ang isang regalo ay talagang pinaglaanan ito ng panahon ng taong nagbigay sa atin.

Hindi lamang sa mga regalo kundi pagdating na rin sa pakikitungo natin sa ating kapwa, hindi tayo dapat maging mapanghusga dahil lamang sa panglabas nilang kaanyuan bagkus ay matuto tayong unawain sila at bigyan ng pagkakataong maipakita ang tunay nilang mga sarili. Napakahalaga ng bagay na ito lalo na sa panahon natin ngayon na puro na lamang panglalait, panghuhusga, at pangungutya ang madalas nating marinig sa mga taong nakapaligid sa atin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.