Connect with us

Viral

Isang ginang, hindi inaasahang nakakita ng 1 million Argentinian money sa paninda niyang ukay-ukay!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay kilala sa pagiging masipag at madiskarte sa buhay. Kahit napakahirap ng buhay ay talagang magkakaroon at makakahanap tayo ng paraan upang makaraos sa araw-araw.

Dahil na rin sa dami ng pagsubok na kinahaharap natin sa araw-araw, marami sa atin ang talagang nagsusumikap na magbanat ng buto. Isa na rito si Badang Matuguina mula sa Quezon City.

Nagdesisyon siyang magnegosyo ng ukay-ukay dahil talagang naging patok ito sa masa. Marami ang tumatangkilik ng murang mga damit at gamit dahil talagang mas nakakatipid sila dito kaysa bumili ng bago sa palengke o sa mga mall.

Isang araw ay hindi inaasahan ni Badang na mayroon siyang matatagpuang pera sa kaniyang ukay. Ito ay anim na pirasong banyagang pera na mayroong nakasulat na 1 million pesos.

Talagang gulat na gulat at hindi siya makapaniwala nang makita niya ang halaga ng perang ito. Banyagang pera kung kaya naman talagang inasahan niyang maipapalit niya ito sa malaking halaga.

Balak na niyang magpatayo ng sarili niyang bahay, ng iba pang negosyo at ipamahagi ang perang makukuha niya mula rito. Ngunit ayon sa isang Numismatist (eksperto sa barya at perang papel), hindi na pala ito nagkakahalaga ngayon ng milyon dahil sa demonetized na ang ganitong klase ng pera.


Ayon naman sa isang currency expert na si Tyrone Solee ay maaari pa niya itong maibenta ng 100 piso kada isang piraso sa mga money collectors. Dagdag pa ni Solee, nagkaroon daw kasi ng hyper-inflation noon sa Argentina kung kaya naman ang pera na ito ay hindi na umiikot pa sa merkado.

Talaga namang nabigo at nanghinayang si Badang sa kaniyang narinig dahil talagang inakala niyang magbabago na ang kaniyang buhay dahil sa natagpuan niyang pera na ito. Gayun pa man ay ipagpapatuloy pa rin daw niya ang pagsusumikap at pagpapagal sa trabaho para sa kaniyang pamilya upang tuluyan na silang makaahon sa kahirapan.

 



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.