Connect with us

Viral

Isang malaking bloke ng yelo na inihampas sa pader, nagdulot ng pagkakasira ng isang bahay!

Published

on

Grabe na naman ang init ng panahon ngayon. Talagang nararamdaman na natin ang pagiging alinsangan ng paligid dahil papalapit na ang “summer season”.

Ilan sa atin ang talagang gustong-gusto ang malalamig na klima sa mga sikat na tourist destination sa bansa tulad na lamang ng Summer Capital of the Philippines – ang Baguio at maging ang Tagaytay. Maging sa mga kilalang beach sa bansa ay punong-puno na rin ng mga turista!

Kahit nga mga banyaga ay nanabik ding masilayan ang angking kagandahan ng mga lugar na ito sa Pilipinas. Ilang taon din kasi tayong natengga sa ating mga tahanan at hindi namasyal dahil sa takot sa pandemya.

Kung marami ang nasasabik nang magtampisaw sa beach at mamasyal ng husto, marami din naman ang natatakam nang makatikim ng mga pagkaing tuwing summer lamang natin natitikman. Halimbawa na lamang ay banana con yelo, o di kaya naman ay halo-halo.

Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang natawa sa post na ito ng isang netizen kung saan makikita ang napakalaking bloke ng yelo. Ayon sa caption ay inakala daw ng netizen na nakamura na siya sa tatlong pisong yelo na kaniyang nabili dahil sa sobrang laki nito.

Ngunit tila mas napamahal pa raw siya. Ito ay dahil na rin sa malaking pinsala o sira ng pader ng kanilang bahay dahil sa pagkakahampas niya ng yelo dito.

Tunay nga na katuwaan lamang ito para sa marami sa atin ngunit hindi rin naman talaga papatalo ang mga Pilipino sa post na ito. Kung kaya naman talagang kaniya-kaniya sila ng opinyon at reaksyon patungkol dito.

Nakakatuwang malaman na sa kabila ng pandemyang nararanasan natin at sa dami ng pagsubok natin sa araw-araw ay marami pa ring mga Pilipino ang nagagawang maging positibo sa buhay. Tulad na lamang ng netizen na ito na nagdulot ng katatawanan sa marami sa atin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.