Connect with us

Viral

Isang maswerteng mangingisda ang nakakita ng napakalaking suka ng balyenang ito na nagkakahalaga pala ng US$320,000 habang naglalakad siya sa dalampasigan!

Published

on

Taong 2019 nang matagpuan ng Thai na mangingisda ang napakalaking suka ng balyenang ito na hindi niya akalaing magkakahalaga pala ng ilang daang libong dolyares! Siya ay walang iba kundi ang 55 taong gulang noon na si Jumrus Thiachot.

Habang siya ay naglalakad sa dalampasigan ng Koh Samui ay nagulat siyang makakita ng kakaibang bagay na kalaunan ay napagtanto niyang isa palang suka ng balyena. Dahil sa interesanteng bagay ang kaniyang nakita ay napagdesisyunan niyang dalhin ito sa kanilang tahanan.

Nang may magsabi sa kaniya na maaaring ito ay suka nga ng isang balyena ay agad siyang humingi ng tulong sa kaniyang mga kapitbahay upang maipasuri ang kaniyang natagpuan.

“Three of my neighbours came after my nephew told the villagers that I found a whale vomit,” Pahayag ni Thiachot.

“They asked for slices and said that they will run some checks to prove that it was really a whale vomit, but they said the tests didn’t show anything.” Dagdag pa nito.

Ayon naman sa pahayag ng provincial governor ng Surat Thani na si Witchawuth Jinto, ang natagpuan nga ni Thiachot ay isang whale vomit at halos 80 porsiyento nito ay “ambergris”! Laking gulat ni Thiachot nang malamang nagkakahalaga pala ito ng US$320,000 o mahigit 16.7 milyong piso!

Sa ngayon ang bentahan nito sa merkado ay nasa US$20,000 kada isang kilo. Gamit ng ilang mga kilalang brand tulad ng Chanel, Bvlgari, Dolce & Gabbana at Atkinsons ang ambergris upang mas tumagal pa ang amoy at maging binding agent ng kanilang mga mamahaling produkto. Talaga namang nakakamangha na mayroon pa rin palang mga ganitong klase ng bagay sa ating paligid.

Hindi natin inaasahan na darating ang panahon at ang dagat mismo ang maghahatid nito sa atin. Tiyak din namang malaki ang maitutulong nito sa mga mangingisdang tulad ni Thiachot na halos buong buhay niya ay inalay na niya sa kaniyang kabuhayan, ang pangingisda.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.