Connect with us

Viral

Meteor Garden star na si Barbie Hsu, ikinasal na sa kaniyang dating nobyo 20 taon na ang nakalilipas matapos silang mag-divorce ng dati niyang asawang businessman!

Published

on

Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa Meteor Garden star na si Barbie Hsu? Siya lang naman ang Taiwanese actress na hinangaan natin noon bago pa man sumikat ang mga Koreanovela sa bansa.

Talagang hinangaan ng maraming mga Pilipino ang programa nilang Meteor Garden na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa puso ng marami sa atin. Taong 2021 nang magulat ang publiko nang ibinahagi niya ang patungkol sa pagdidiborsiyo nila ng kaniyang mister na si Wang Xiaofei.

Taong 2010 nang sila ay ikasal ni Barbie. Nabiyayaan sila ng dalawang mga anak.

Ayon sa ilang mga artikulo, isang mayamang Chinese businessman ang asawang ito ng aktres ngunit makalipas ang ilang taon ay nagdesisyon na rin silang dalawa na wakasan na ang kanilang pagsasama. Ang mas nakakagulat pa nga ay tatlong buwan pa lamang na naghihiwalay ang dalawa ay napabalitang nagpakasal na si Barbie sa 52 taong gulang na si DJ Koo.

Siya ay isang South Korean artist na kilala rin bilang si Koo Jun-yup. Isa rin siya sa miyembro ng Clon dance music duet mula sa South Korea noong 1990s.

Talagang sikat ang grupong ito noon. Halos dalawang dekada na rin ang nakalilipas nang magtapos ang kanilang relasyon noon bilang magkasintahan.

Sa Instagram post mismo ni DJ Koo ay ibinahagi niya ang pagpapakasal nila ni Barbie at hiling niya ang pagmamahal at pagsuporta ng publiko.
“Life is uncertain. I cherish the happiness I have in the present. I thank everything that has led me step by step to where I am now.” Pahayag naman ni Barbie.

Ayon sa ilang mga ulat, taong 1998 nang mag-date sina DJ Koo at Barbie ngunit naghiwalay din sila makalipas ang isang taon dahil hindi ito pinahintulutan ng management ni Koo. Tunay nga na sa maikling panahon ay napakarami nang bagay na maaaring mangyari.

Kung kaya naman dapat nating pahalagahan ang bawat sandaling kasama natin ang mga taong mahalaga sa atin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.