Connect with us

Viral

Isang Pinay OFW, nagmana ng mahigit sa 25 milyong piso halaga ng mga ari-arian mula sa dati nitong amo!

Published

on

Milyonarya na ngayon ang dating domestic worker sa Hong Kong na nakilala sa pangalang Daisy Bucad-Eng. Ito ay matapos niyang magmana ng mahigit sa 25,000,000 piso halaga ng mga ari-arian mula sa kaniyang dating employer.

Siya ay isinilang at lumaki sa Mountain Province kung saan siya ay nakapangasawa sa edad na 16 na taong gulang. Nagkaroon din siya ng anak sa murang edad kung kaya naman kinailangan niyang magbanat ng buto at kumita ng pera.

Upang makaraos at kahit papaano ay kumita ng kaunting pera ay nagtitinda siya ng asin sa Besao, Mt. Province. Noong Oktubre 20, 2021 ay ibinahagi niyang malakas daw talaga sa asin ang mga taga-Benguet.

Dahil madalas nila itong inilalagay sa kanilang mga baboy o baka. Sa loob ng isang araw ay mayroon siyang kita na 100 hanggang 300 sa pagbebenta lamang ng asin.

Noong unang pagsabak niya raw bilang DH sa Hong Kong ay talagang hindi niya kinaya dahil na rin sa dalawang oras o hanggang tatlong oras lamang daw ang kaniyang tulog. Nabalitaan din daw niya ang napakahirap na sitwasyon ng kaniyang mga anak kung saan namumulot lamang daw ito ng basura sa lansangan at natutulog sa dyip.


Nang makarating ito sa kaniya ay hindi raw niya napigilang pumasok sa mesa at doon umiyak ng husto. Pagkatapos ng mahirap na karanasan niyang ito ay nakilala naman daw niya ang Portuguese niyang amo na si Marie.

Ang sweldo niya sa loob ng isang buwan ay HK$900 or Php2,700. Mapalad din siya dahil sa pamilya ang turing sa kaniya ni Marie at hindi isang empleyado lamang.

Nang minsang umuwi siya sa Pilipinas ay sumama si Marie. Namasyal sila sa Manaog at talagang naging masaya siya sa kaniyang pamamalagi sa bansa.

Ngunit taong 2002 nang pumanaw si Marie dahil sa paglobo ng puso nito. Sa loob ng 11 taon ay pinagsilbihan ni Daisy si Marie. Hindi inaasahan ni Daisy na makalipas ang ilang araw ay mayroong dadating na sulat sa kaniya na huling habilin pala ng kaniyang amo.

Nakasaad dito na pinamanahan siya nito ng mahigit sa 25 milyong pisong halaga ng mga ari-arian. Ito ay mula sa stocks mula sa iba’t-ibang kompanya at isang apartment.

Noong una ay nagtataka pa si Daisy at talagang hindi makapaniwala ngunit kalaunan ay napatunayan niya ring totoo ang lahat. Laking pasasalamat niya dahil sa kabutihang loob at pagmamalasakit sa kaniya ng kaniyang amo hanggang sa mga huling sandali ng buhay nito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.