Connect with us

Viral

Isang 15 taong gulang na pusa ng palaging sumama sa kaniyang 97-anyos na amo sa tuwing bibisita ito sa kaniyang misis na may dementia!

Published

on

Nagsilbing inspirasyon sa publiko ang pambihirang kwento ng matandang lalaki na ito at ng kaniyang alagang pusa. Ang alaga niyang pusa ay 15 taong gulang na ngunit talagang palagi pa rin itong sumasama at nakaalalay sa kaniya.

Ang may-ari ng nakakatuwang pusa na ito ay walang iba kundi si Pan Shuhua. Siya ang nagmamay-ari sa 15 taong gulang na pusang si Xiao Ke.

Ang pusa na ito ay isang rescued cat na noon pala ay isang pusang gala. Makalipas ang 15 taon ay talagang hindi pa rin umaalis si Xiao Ke sa poder ng kaniyang amo.

Tila ba isang matapat na kaibigan na hindi iniiwan ang taong nagmahal at nag-alaga sa kaniya. Hindi rin niya hinahayaang mag-isa ang kaniyang matandang among lalaki na ngayon ay 97 taong gulang na.

Palaging namamataan ang dalawa na magkasama kung kaya naman kilalang-kilala na rin sila ng mga taong nakapaligid sa kanila. Minsan nang ibinahagi ni Pan ang kwento ng kaniyang matandang lolo at ng kaniyang alagang pusa.


Nang minsang magdesisyon ang kaniyang lolo na dalawin ang asawa nitong mayroong dementia ay talagang nilakad nila ang tatlong kilometrong daan makarating lamang sa nursing home kung nasaan ang kaniyang misis. Talagang nakakabilib dahil hindi rin napagod at hindi umalis ang alaga nilang pusa sa tabi ng kanilang lolo.

Noong una ay nag-alala pa silang lahat dahil hindi nila makita ang kanilang lolo ngunit nang makauwi si Xiao Ke ay kasabay nitong umuwi ang kanilang lolo kung kaya naman nawala na rin ang kanilang pangamba. Laking pasasalamat nila dahil nagawang makauwi ng ligtas ng kanilang lolo at ng kanilang alagang pusa na talagang gumabay sa matanda.

“My father-in-law said he just walked for a while and rested, then walked for a while again and rested. The journey was so easy because Xiao Ke was by his side always. We didn’t think that the cat would even jump out and walk with her grandfather. My father-in-law’s experience of disappearing for a while really scared us,” Pahayag ni Pan Shuhua.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.