Connect with us

Viral

Isang seller na nahulog sa putikan habang naghahatid ng kaniyang mga paninda, naglabas ng kaniyang saloobin sa mga taong nambabarat ng delivery fee!

Published

on

Kung maraming negatibong bagay ang naidulot ng pandemya sa atin, tiyak na marami din naman ang magagandang bagay na naidulot nito sa atin. Isa na marahil dito ang pagiging mas malapit natin sa ating pamilya at ang pagpapahalaga natin sa ating kalusugan.

Gayundin naman ay sa kabila ng kawalan ng trabaho at pagkalugi ng maraming mga negosyo ay nanatili pa rin tayong positibo at masigasig sa buhay. Sa panahon ding ito mas dumami ang mga online sellers na talagang nagbebenta ng kahit anong bagay na posibleng ibenta basta’t legal at ligtas sa publiko.

Marami ang naantig sa karanasang ibinahagi ng isang online seller na nakilala bilang si Jobelle Laurel. Dahil sa araw-araw niyang paghahanap-buhay ay talagang nakakaranas siya ng maraming pagsubok at hirap lalong-lalo na sa paghahatid o pagdedeliver ng mga paninda niya sa kaniyang mga suki.

Nang minsang mahulog siya sa putikan ay hindi na niya napigilan pang maglabas ng saloobin sa mga taong patuloy na nambabarat ng kanilang delivery fee.

“Delivery fee is normal my friend. lalo na kung malayo. Hindi yan dagdag sa tubo namin kundi ay para lang hindi mabawasan ang konting tubo,” Pahayag ni Jobelle.

“Isipin nyo namamasahe kayo ng 100 o naggagas kayo ng 200 para pumunta sa mall at kumain sa pwesto ng mayayamang negosyante,” Pagpapatuloy pa niya.
“Kapag si mcdo, kfc, shoppee at lazada may delivery fee ok lang pero kapag maliliit na negosyante mahal na agad. Isipin nyo rin kung kayo ang pipick-up hindi ba’t gagastos din kayo dba?” Dagdag pa nito.

Tunay ngang hindi biro ang pinagdaraanan ng marami sa atin ngayon ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay hindi na natin ikokonsidera ang sitwasyon at kalagayan ng ibang taong nakapaligid sa atin. Nararapat lamang na ilagay natin ang lahat sa kaayusan.

Wastong presyo para sa mga paninda online at tamang halaga rin para sa delivery fee, kung maayos at maganda naman ang ating mga produkto ay tiyak na hindi manghihinayang na bumili ang ating mga suki sa atin, hindi ba?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.