Connect with us

Viral

Isang nobyo na bumiyahe ng 2,400 kilometro para lamang masorpresa ang kaniyang nobya, labis na nagulat nang makita ito sa piling ng ibang lalaki!

Published

on

Tiyak na marami ang sasang-ayon na ang pakikipagrelasyon ay hindi isang simpleng bagay lamang. Talagang kakailanganin mong maglaan ng iyong oras at panahon upang maiparamdam mo sa iyong kapareha na siya ay mahalaga at talagang tunay ang pag-ibig na nararamdaman mo sa kaniya.

Ngunit tila labis ang pagkabigo ng isang lalaki na ito mula sa China dahil matapos niyang bumiyahe ng higit sa 2,400 kilometro ay nasaksihan na lamang niya ang kaniyang kasintahan na mayroong kasamang ibang lalaki. Hindi na nakumpirma pa kung ano ang okasyon at ninais ng lalaking sorpresahin ang kaniyang nobya ngunit maraming nagsasabi na ito marahil ay kaarawan ng babae.

Talagang nakasuot pa ng teddy bear mascot ang lalaki para lamang mabigyang kaligayahan ang kaniyang minamahal ngunit talagang nagulat siya nang makita ang babaeng mayroong kasamang ibang lalaki na talagang sweet na sweet din s a kaniya. Nakamasid lamang ang nobyo sa kaniyang nobya habang may kasama itong ibang lalaki na nakayakap pa sa kaniyang likuran!

Maya-maya pa at nagpasya na ang lalaki na hubarin ang kaniyang costume at agad naman itong napansin ng kaniyang nobya. Sobrang nagulat din ang babae nang masilayan ang mukha ng kaniyang nobyo na agad nang lumayo matapos nito.


Agad din namang humabol ang babae sa kaniyang nobyo ngunit hindi na tumigil pa sa paglakad ang kawawang kasintahan. Natapos ang video nang hindi nakikita ng publiko kung huminto ba ang lalaki at nagkaayos silang dalawa.

Ngunit para sa maraming mga netizens ay mas mabuti nang hindi na bumalik pa ang lalaki sa kaniyang nobya dahil sa nagawa nitong panloloko at pambabalewala sa kaniya. Kailan man ay hindi tama na makipagrelasyon pa sa iba kung mayroon ka nang karelasyon sa umpisa pa lamang.

Kung kaya naman nararapat lamang na makipaghiwalay na kung wala nang nararamdaman o di kaya naman ay hindi na kaya pang ipagpatuloy ang isang relasyon para na rin sa damdamin ng isa’t-isa.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.