Connect with us

Viral

Isang buntis na misis, naghanap ng pangalawang asawa para sa kaniyang mister dahil ayaw niya itong makitang hindi naaalagaan at nakakalinga ng maayos!

Published

on

Para sa maraming mga Pilipino, ang pagkakaroon ng kaluguyo, kabit, o kirida ng isang asawa ay isang kasalanang hindi karapat-dapat patawarin ninuman. Ngunit posible pala na ang una at orihinal na asawa mismo ang maghanap ng isa pang asawa para sa kaniyang mister!

Ang dahilan ng buntis na misis ay ayaw daw nitong nakikita na hindi naaalagaan at nakakalinga ng maayos ang kaniyang asawaa! Ang buntis na misis ay nakilala bilang si Khuzatul Atiqah mula sa Shah Alam, Malaysia.

Ayon sa kaniyang salaysay, palagi raw pagod sa trabaho ang mister niyang si Samuel Dzul ngunit palagi pa rin itong gumagawa ng gawaing bahay at inaasikaso siya dahil sa hirap siya sa kaniyang pagbubuntis. At dahil sa labis na pagmamahal niya sa kaniyang mister ay siya na mismo ang naghanap ng isa pang asawa para dito.

Nais niya kasing mayroong mag-alaga at mag-asikaso sa kaniyang asawa na ngayon ay hindi pa niya kayang gawin. Nang tanungin naman niya ang kaniyang mister kung papayag ba itong magkaroon ng isa pang asawa ay nginitian lamang siya nito.

Dahil sa hindi naman nagalit ang kaniyang mister ay nagsimula na siyang maghanap ng ikalawang asawa para kay Samuel. Muslim sila kung kaya naman hindi ito ipinagbabawal sa kanila.
Agad namang nakahanap si Khuzatul ng perpektong babae para maging ikalawang asawa ni Samuel. Siya ay walang iba kundi si Nur Fhatonah.

Siya ay isang single mom at batid ni Khuzatul na magkakasundo talaga silang dalawa. Noong una ay talagang nagulat at hindi makapaniwala si Fhatonah dahil noon pa man ay hindi na niya inakalang muli pa siyang makakapag-asawa.

Nang magkakilala na ang tatlo ay agad din naman silang nagpalagayan ng loob. Matapos ang kasal nina Samuel at Fhatonah ay nakapagsilang na rin ng isang malusog na sanggol si Khuzatul.

Hindi lamang siya nakatagpo ng ikalawang asawa para sa kaniyang mahal na mister kundi nakatagpo din siya ng isang matalik na kaibigan sa katauhan ni Fhatonah.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.