Connect with us

Viral

Hindi habang buhay ay kapiling ng batang ito ang kaniyang ina, ngunit pinatunayan niyang mananatili ang pagmamahal at mga aral na itinuro sa kaniya ng kaniyang ina kahit ilang taon pa ang lumipas!

Published

on

Mayroon tayong kaniya-kaniya nating hamon at pagsubok pagdating sa ating personal na buhay. Pagdating sa ating mga pamilya ay hindi rin naman tayo pare-pareho ngunit mas pinipili lang talaga ng bawat isa sa atin na maging matatag at magpatuloy sa buhay.

Isang araw ay talaga namang umantig sa puso ng bawat isa ang kwento ng isang batang ito. Mayroong isang batang madungis na sumakay sa isang pampasaherong bus. Halos lahat ng tao ay nakatingin sa kaniya dahil talagang marumi ang kaniyang katawan at kasuotan.

Sa kabila nito ay nagpatuloy pa rin siya sa paghahanap ng bakanteng upuan sa bus hanggang sa komportable na siyang nakaupo. Ilang sandali pa ang nakalipas at mayroong isang buntis na babaeng sumakay sa bus ngunit wala nang bakante pang upuan para sa kaniya.

Agad namang tumayo ang bata at inialok ang kaniyang upuan sa buntis na pasahero. Bakas sa mga mata ng babae ang pagdadalawang-isip dahil sa marumi talaga ang hitsura ng batang ito.

Ngunit nang napansin ito ng bata ay agad niyang pinunasan ang pwesto na kaniyang inupuan kanina at sinabi sa babaeng malinis na raw ito kung kaya naman maaari na siyang maupo. Tumayo na lamang ang bata sa gitna ng bus habang tangan-tangan ang kaniyang bayong.

Maya-maya pa ay biglang pumreno ng matindi ang bus dahilan upang mabitawan niya ang kaniyang dala-dala. Agad naman siyang inalalayan ng matandang babae na kanina pa nakamasid sa kaniya.

“Mabait kang bata, iho!” Ito ang nakangiting sabi ng matanda. Tinanong din ng matandang babae ang bata kung nasaan ang kaniyang ina at agad naman nitong sinabing nasa bayong na dala-dala niya ang kaniyang nanay.

Nagulat ang lahat ng nakarinig ng mga katagang iyon. Nagsalita naman agad ang tito ng bata na kanina pa nagmamasid sa kaniyang pamangkin.

Ilang taon na po ang nakalilipas buhat nang pumanaw ang kaniyang ama dahil sa malubhang karamdaman. Ang kaniyang ina naman ay kinailangang magtrabaho sa isang construction site upang masuportahan ang kanilang pamilya.

Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon ay naaksidente ang kaniyang ina habang nagtatrabaho dahilan upang ito ay masawi. Nasa bayong ng bata ang abo ng kaniyang pinakamamahal na ina na siyang nagturo sa kaniya na huwag intindihin ang mga puna ng ibang tao sa kaniya bagkus ay dapat na maging mabuti siya sa kaniyang kapwa sa lahat ng pagkakataon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.