Connect with us

Viral

Isang 21 taong gulang na estudyante, tindera, taga-alaga ng pamangkin, at delivery food rider ang ilan sa mga diskarte upang makapagtapos sa pag-aaral!

Published

on

Edukasyon ang isa sa pinakamahalagang bagay na nais ng ating mga magulang na unahin natin o maging prayoridad. Sa ating bansa kasi, kung mayroon tayong maayos na edukasyon ay magiging madali at posible ang pagkakaroon ng magandang kinabukasan.

Hindi lamang para sa ating mga sarili, sa ating pamilya, kundi maging sa magiging sariling pamilya natin sa hinaharap. Ang magandang edukasyon din daw ang isa sa mga bagay na hinding-hindi mananakaw sa atin ninuman.

Pinatunayan ng isang 21 taong gulang na estudyanteng ito ang kaniyang pagpapahalaga sa edukasyon. Ibinahagi ni Andrea Kate Mendoza ang kaniyang naging karanasan na talagang nagbigay ng inspirasyon sa maraming mga Pilipino.

Dahil daw kasi sa pandemya ay talagang naapektuhan ng husto ang kaniyang pamilya. Sa kabila ng matinding hamon at pagsubok ng buhay na nararanasan nila ngayon ay nais pa rin niyang makapagtapos ng pag-aaral.

Sa ngayon ay 2nd year college na siya sa Technological Institute of the Philippines. Kinukuha niya ang kursong BSCE. Sinong mag-aakala na sa edad niyang 21 ay magagawa niyang pagsabay-sabayin ang pagiging isang tinder, pag-aalaga ng kaniyang pamangkin sa hapon, at pagiging isang Food Panda delivery rider pagsapit ng gabi?


Mayroon pa siyang online class sa umaga bago niya gawin ang mga trabaho niyang ito. Hindi madali ang ginagawa niyang ito sa araw-araw ngunit masaya siyang makatulong sa kaniyang mga magulang at makapagpatuloy ng pag-aaral.

Nang tanungin naman siya ng isang netizen kung hindi siya nahihiya sa pagiging delivery rider niya kahit siya ay isang babae, sinabi naman niyang wala siyang dapat ikahiya dahil sa marangal naman daw ang kaniyang trabaho. Umani ito ng napakaraming positibo at magagandang komento mula sa publiko.

Tunay ngang kung nais mong magtagumpay sa buhay ay magiging madiskarte ka at talagang magsusumikap. Pagkatapos naman kasi ng mga pagsubok na ito ay tiyak na aanihin mo rin ang tagumpay at mga biyayang nararapat sa iyo.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.