Connect with us

Viral

Isang elepante ang naglakad ng 25 kilometro para lamang mamaalam at magbigay respeto sa kaniyang matalik na kaibigan na nakasama nito sa loob ng 25 taon!

Published

on

Madalas na nating marinig mula sa mga mahal nating lolo at lola na dapat ay maging mapili tayo pagdating sa mga taong kakaibiganin natin. Hindi kasi lahat ay mayroong mga tunay at tapat na kaibigan.

Kung kaya naman dapat maging maingat din tayo sa mga taong hinahayaan nating pumasok sa ating buhay. Kung noon, pagkakaibigan lang ng tao sa tao ang madalas nating masaksihan, ngayon ay talagang marami na tayong nababalitaan na pagkakaibigan sa pagitan ng tao at ilang hayop.

Tulad na lamang ng isang elepante na ito sa Kerala, India. Sinong mag-aakala na maglalakad ito ng 25 kilometro p halos 15 milya para lamang magbigay ng huling respeto at mamaalam sa kaniyang kaibigan?

Itinuring niyang matalik na kaibigan ang taong ito sa loob ng 25 taon. Ayon sa ilang mga ulat, si Damodaran Nairo mas nakilala sa kanilang lugar bilang si Omanchetan ay nasawi sa Kottayam district.

Siya ay isang “Mahout” o tagapagsanay ng elepante sa loob ng 60 taon. Mayroon siyang inalagaang elepante 25 taon na ang nakalilipas. Binili ito ng dalawa niyang anak na lalaki sa unang nagmamay-ari dito.


Pinangalanan nila itong Pallattu Brahmadathan. Siya ang naging paboritong elepante ni Damodaran.

Kung kaya naman hindi na nakapagtataka na naging malapit sila sa isa’t-isa. Marami ang naantig nang dumalaw ang elepante sa libing ng kaniyang kaibigan kung saan tila itinataas at ginalaw-galaw pa nito ang kaniyang “trunk”.

Nagpapahiwatig ng papaalam at pagbibigay respeto niya sa kaniyang pumanaw na kaibigan. Kapansin-pansin ang kalungkutan sa mga mata at sa kilos ng naturang elepante.

Kung kaya naman niyakap ito ng anak ni Damodaran na si Rajesh. Talaga namang nakakaantig ang mga ganitong uri ng kwento.

Hindi lamang pala tao ang maaaring maging magkaibigan kundi maging ang mga hayop na minsan nating inalagaan at kinalinga. Kahit nga sila ay hayop lamang na maituturing ay kaya pa rin pala nilang magmahal ng mga taong tulad natin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.