Connect with us

Viral

Isang 24 na taong gulang na dalaga mula sa Puerto Rico ang kauna-unahang Victoria’s Secret model na mayroong Down Syndrome!

Published

on

Kapag sinabing modelo, madalas na nating naiisip ang mga magaganda, matatangkad, at talagang seksing mga kababaihan. Talaga namang marami din sa mga kabataan ngayon ang nangangarap na maging isang sikat at matagumpay na modelo.

Hindi lamang sa kasikatang hatid nito kundi sa napakaraming oportunidad na maaaring mabuksan dahil dito. Kung noon ay talagang marami ang mga standards na dapat sundin kung nais mo talagang maging isang modelo, sa paglipas ng panahon ay unti-unti na rin naman itong nagbabago.

Naging inpirasyon sa publiko ang kwento na ito ng isang 24-anyos na dalagang ito mula sa Puerto Rico. Siya ay nakilala bilang si Sofía Jirau na mayroong Down Syndrome.

Sa kabila ng kaniyang sitwasyon ay nagawa pa rin niyang matupad ang kaniyang pangarap na maging isang businesswoman at modelo. Taong 2019 kasi ng mabigyan siya ng pambihirang pagkakataon na maging modelo ng Victoria’s Secret.

Talagang marami ang humanga sa kaniya nang mapabilang siya sa 17 magagandang dalaga na nag-endorso ng bagong produkto ng kompanya, ang Love Cloud na bagong underwear collection ng Victoria’s Secret. Noon pa man ay naniniwala na si Sofia na dapat ay mamuhay siya ng walang limitasyon.


“One day I dreamt it, I worked at it, and today it’s a dream come true. I can finally share my big secret. I am the first Victoria’s Secret model with Down syndrome!” Pahayag niya.

Si Sofia ang ikalawang modelo ng Victoria’s Secret mula sa Puerto Rico. Si Joan Smalls ang nauna na na-recruit naman taong 2011. Nabigyan din siya ng pagkakataon na makasama ang ilang naggagandahan at nagseseksihang mga kababaihan mula sa iba’t-ibang bansa.

Gayundin naman ay nakasama rin nila sa campaign sina Hailey Bieber, Adut Akech, at Taylor Hill. Hindi maipagkakaila na mayroon na talagang talento sa pagmomodelo si Sofia.

Talagang may karisma ito na kapansin-pansin kahit na sa kaniyang mga larawan mo lamang siya titingnan. Napabilang din siya noong Pebrero 2020 sa New York Fashion Week.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.