Connect with us

Viral

Isang babaeng hindi tumitingin sa panlabas na anyo bagkus ay sa kalooban ng kaniyang nobyo, umani ng papuri at positibong komento mula sa publiko!

Published

on

Pagdating sa pag-ibig o sa pakikipagrelasyon, marami sa atin ang talagang mayroong kaniya-kaniya nating paniniwala. Mayroong mga taong sang-ayon sa malaking agwat sa edad o di kaya naman ay sa ibang kasarian ng kanilang minamahal ngunit marami din naman ang hindi payag sa mga ganitong paniniwala.

Marahil ay nakarinig na rin tayo ng mga sikat na kasabihan pagdating sa pag-ibig tulad na lamang ng “Love is blind”. Kamakailan lamang ay mayroong ilang larawan ng mag-asawang ito na tila ba nagpapatunay na ang pag-ibig ay bulag.

Kapansin-pansin kasi ang magandang hitsura ng babae habang hindi naman kaaya-aya ang mukha ng kaniyang mister. Ang babaeng ito ay mula sa Thailand at nakilala sa pangalang Phatsara Obnak.

Siya ay napamahal at nagpakasal sa isang lalaking nagngangalang Boonme Khanthong. Pinatunayan ni Phatsara na hindi hadlang ang panlabas na anyo pagdating sa pag-ibig.

Dahil sa kabila ng hitsura ni Boonme ay talagang minamahal niya ito. Ayon naman sa Thai News Agency, ang kanilang pag-iisang dibdib ay ginanap sa isang villahe sa Northeastern province ng Thailand na Surin.


Ayon pa sa ilang ulat ay bata pa lamang daw si Boonme ay mayroon na siyang dinanas na sakit, ang pagkasira ng kaniyang capillaries sa bandang mukha. Bagamat dinala naman siya ng kaniyang mga magulang sa ospital ay hindi pa rin nalunasan ang kaniyang karamdaman.

Kalaunan ay hindi na tuluyang nagamot ang mukha ni Boonme dahil wala na rin silang sapat na pera. Grade 5 lamang ang natapos niya ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi siya maging masigasig sa buhay.

Nagtrabaho siya bilang tindero ng papaya kung saan niya nakilala si Phatsara. Labis din naman ang pasasalamat nito dahil minahal at tinanggap din ni Boonme ang kaniyang anak sa una niyang relasyon.

Hindi ito naging hadlang sa kanilang pagsasama kung kaya naman hanggang ngayon ay talagang inaalagaan at inaasikaso niya si Boonme.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.