Connect with us

Viral

Isang mapagmahal na lola, masigasig pa ring binantayan ang kaniyang apo sa tuhod kahit na antok na antok na ito!

Published

on

Ang pagiging isang ina ay hindi madaling responsibilidad. Talagang napakalaking pagbabago ang nararanasan ng maraming mga kababaihan sa oras na naging ganap na silang ina.

Kung noon kasi ay buhay dalaga pa at wala pa masyadong alalahanin, ngayon ay talagang inuuna na nila ang kapakanan ng kanilang mga anak. Mas kinokonsidera na nila ang mga ito bago pa man ang kanilang mga sarili.

Nakakatuwang malaman na marami sa atin ang nakaranas na ng ganitong pambihirang gampanin sa buhay. Ngunit kahit gaano pa tayo katanda o kahit ilan na ang ating mga anak, tiyak na naririyan pa rin palagi ang ating mga magulang, mga lolo at lola na todo ang suporta sa atin.

Sa lahat ng pagkakataon ay talagang maaasahan sila, tulad na lamang ng isang netizen na ito na ibinahagi ang naging karanasan niya nang minsang ipakisuyo niya sa kaniyang lola ang kaniyang bagong silang na anak. Ayon sa naging pagsasalaysay ni Hazel Salisid, mayroon siyang importanteng bagay na kailangang gawin kung kaya naman kinailangan niyang pabantayan sandali ang bagong silang niyang anak sa kaniyang Lola na si Lola Rosario Ronolo.

Talagang kapansin-pansin na may edad na ang kaniyang lola ngunit hindi ito naging dahilan upang hindi nito pagbigyan ang apong si Hazel. Kahit pagod at mukhang antok na antok na ay talagang masayang binantayan at inaalagaan ni Lola Rosario ang sanggol.

Nang makabalik na si Hazel ay naantig siya sa kaniyang nakita dahil hindi niya akalaing antok na rin pala ang kaniyang lola na nakatulog na sa tabi ng kaniyang anak ng mga oras na iyon. Malaki ang pasasalamat ni Hazel sa kaniyang lola hindi lamang dahil sa pagmamahal at pagmamalasakit nito sa kaniya at sa kanilang magkakapatid kundi maging sa kaniyang anak.

Tunay nga na kahit gaano pa man katanda o kaedad ang ating mga lolo at lola, wala pa ring papantay sa kanilang pagkalinga sa atin at maging sa mga taong minamahal natin. Kung kaya naman payo ni Hazel na habang buhay pa at kapiling pa natin sila ay palagi nating ipadama kung gaano sila kahalaga sa atin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.