Connect with us

Viral

Aktres na si Ina Raymundo, ibinahagi sa publiko ang kaniyang sikreto sa kaniyang “timeless beauty”!

Published

on

Noon pa man ay talagang marami nang mga naggagandahan at naggwagwapuhang mga artista ang nadidiskubre sa industriya ng showbiz. Tunay ring hindi madali ang kalakaran at ang trabahong ginagawa ng mga sikat na personalidad na ito ngunit madalas ay nagsisilbi rin naman silang inspirasyon sa marami sa atin.

Tulad na lamang halimbawa ng ilang mga artista na sa kabila ng kanilang edad ay talagang nagagawa pa rin mapanatili ang angking kagandahan at kaseksihan nila. Halimbawa na lamang ang aktres na si Ina Raymundo.

Si Rina Marie Padilla Raymundo o mas nakilala natin bilang si Ina Raymundo ay 46 taong gulang na aktres, modelo, at singer. Nakilala siya noon dahil sa kaniyang naging patalastas na “Sabado Nights” ng San Miguel Beer taong 1995.


Talaga namang isa siya sa pinakamaganda at pinakaseksing aktres ng kaniyang panahon. Ngunit sinong mag-aakala na hanggang ngayon ay talagang wala pa ring tulak kabigin ang kaniyang mala-Diyosang ganda at balingkinitang pangangatawan?

Taong 2003 ay ikinasal siya kay Brian Poturnak na isang Canadian-Ukranian businessman. Tulad ng aktres ay talagang namang napakagwapo at napakamatipuno din nito. Sa ngayon ay mayroon na silang limang mga anak. Sina Erika Rae, Jakob, Mikaela Jade, Anika Sage at Minka Eve.

Tulad ng kanilang mga magulang ay talagang nabiyayaan din naman sila ng magandang lahi. Nang minsang makapanayam ng 24 Oras host na si Lhar Santiago si Ina ay naibahagi nito ang kaniyang sikreto sa kaniyang ageless beauty!

Dahil naniniwala daw ang aktres na nasa genes na talaga nila ito dahil ang kaniyang mga magulang ay talagang mukhang bata pa rin sa kabila ng kanilang matandang edad.

“‘Yung dad ko is 74 but he looks really good, he’s looks young for his age. Kumbaga may asim pa at 74,” pahayag ni Ina.

“‘Yung mommy ko rin naman 68 na, she’s still very beautiful. So siguro in a way, namana ko ‘yun,” dagdag pa niya.

Ibinahagi rin ni Ina na talagang hindi siya tumitigil na magkaroon ng magandang pamumuhay sa pamamagitan ng malusog na pangangatawan at pagkakaroon ng masayahing personalidad.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.