Connect with us

Viral

Isang mister ang nag-freeze ng bangkay ng kaniyang asawa sa loob ng 50 taon dahil sa pag-asang muli pa itong mabubuhay ng mga siyentipiko balang-araw!

Published

on

Tunay at wagas na pag-ibig nga bang maituturing kung nahihirapan tayo at hindi natin kayang pakawalan agad ang mga taong minsan nang naging bahagi ng ating mga buhay? Mayroong iba’t-ibang sitwasyon ng pagle-let go sa mga taong mahal natin.

Maaaring pinili nating makipaghiwalay, nagloko sila o di kaya naman ay pumanaw sila ng hindi natin inaasahan. Ang pagpanaw ng ating mga mahal sa buhay ay talagang napakasakit.

Talagang hindi ito kayang ipaliwanag o ilarawan ng ilang mga salita lamang. Ito marahil ang naramdaman ng isang mister mula sa Shandong.

Dahil sa pangungulila sa pinakamamahal niyang asawa ay nagdesisyon siyang i-freeze ang bangkay nito apat na taon na ang nakararaan. Umaasa kasi siya na balang-araw ay magagawa rin ng mga siyentipikong mabuhay muli ang kaniyang kabiyak.

Ang misis ni Mr. Gui na si Zhan Wenlian ay nasawi dahil sa lung kanser noong Mayo 2017 sa edad na 49. Bago pa man masawi ang kaniyang asawa ay mayroon na siyang nababasa noon patungkol sa human body cryogenics.

Ang bangkay ng kaniyang asawa ay nasa loob ng isang malaking lalagyan na mayroong liquid nitrogen at mayroong temperaturang 196 degrees Celsius. Paglilinaw din naman ni Mr. Gui, tinanong niya ang kaniyang asawa noon kung papayag ba ito sa kaniyang plano na i-preserba ang kaniyang katawan.


Piniga raw nito ang kaniyang kamay bilang pagsang-ayon bago pa man siya bawian ng hininga. Sa ngayon ay mayroon nang 10 mga bangkay ang nakapreserba sa Yinfeng Life Science Research Institute kabilang na nga ang bangkay ni Ms. Zhan.

Marami ang namangha at nagulat sa balitang ito ngunit hindi ito ang unang beses na magkaroon ng isang bangkay na sumailalim sa cryogenics.

Sa ngayon ay mayroon nang 350 na “cryogenically frozen individuals” sa buong mundo karamihan ay matatagpuan sa Estados Unidos. Hanggang sa ngayon kahit isa sa kanila ay wala pang nabubuhay muli.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.