Connect with us

Viral

Isang 57 taong gulang na ginang ang masayang naninirahan sa kaniyang mobile home at madalas na naglalakbay upang makakita pa ng mas magagandang mga tanawin sa ibang lugar lulan lamang ng kaniyang sasakyan!

Published

on

Sino ba naman ang ayaw ng masaya at payapang buhay? Madalas nga nating marinig na kahit gaano man kadami ang ating pera at ari-arian, kung wala naman tayong “peace of mind” ay balewala rin ang lahat.

Mas masaya pa ang mga taong mayroong simpleng pamumuhay na mayroong tunay na kagalakan at kapayapaan sa kanilang mga puso. Sa buhay natin, napatunayan na nating mayroon tayong iba’t-ibang kahulugan ng kaligayahan at pagiging kuntento.

Kung marami sa atin ang masaya sa piling ng ating pamilya, mayroong maayos na trabaho at tirahan, mayroon din namang mga tao na masaya ring mag-isa sa buhay. Tulad na lamang ng 57 taong gulang na ginang na ito na naninirahan nang mag-isa sa kaniyang mobile home.

Siya ay nakilala bilang si Dolly Rubiano Villacorte mula sa Victoria, Australia. Madalas siyang magbahagi ng kaniyang mga larawan at maging ng mga larawan ng kaniyang napakasimpleng tahanan.

Kahit na wala siyang asawa at anak na kasama ay masaya at kuntento pa rin daw siya sa kaniyang buhay. Dagdag pa niya, ginamit niya ang kaniyang ipon upang makabili ng mobile home niyang ito.
Madalas din siyang nagpapalipat-lipat ng lugar depende sa kaniyang kagustuhan. Talagang kakaiba ang kaniyang “traveling experience”.

Napakaganda ng kaniyang mobile home dahil kahit saan niya gustong pumunta ay maaari niyang puntahan. Maging ang interior design ng kaniyang mobile home ay nakadepende rin sa kaniyang mga hilig at kagustuhan.

Marami din siyang halaman sa loob ng kaniyang munting tahanan kung kaya naman talagang pagmulat pa lamang ng kaniyang mga mata ay nakakarelaks na ang kaniyang kapaligiran. Sa mobile home man siya nakatira ay talagang sinisigurado niyang malinis, maayos, at organisado ang lahat ng mga gamit dito.

Napakarami niyang natututunan sa bawat araw na naninirahan siyang mag-isa sa loob ng kaniyang mobile home. Hindi rin daw siya nauubusan ng mga gagawin kung kaya naman talagang abalang-abala siya sa araw-araw.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.