Connect with us

Viral

Tribo ng mga ati, hanggang ngayon ay tinutulungan pa rin ng mga taga-Malta sa Mission of Love!

Published

on

Marami na ang sumubok ng “Then and Now challenge” sa social media kung saan ginagawa nilang muli na kuhanan ang mga luma at bagong larawan. Talaga namang nakakatuwa ito dahil makikita natin ang malaking pagbabago sa larawan kung saan naroroon ang lugar kung saan ito kinuhanan at mga taong kasama sa larawan.

Ibinahagi ng isang dayuhan na nakilala bilang si Patrick O’Cock ang mga larawang ito kung nilagyan niya rin ito ng caption na nagsasabing:
“Our son Josh with the Ati kids in Bulabog 1993 and then again below in 2020 at Ati Village.”

Si Patrick mismo ang founder ng “Mission of Love” na naitatag noong taong 1993 upang matulungan ang mga katutubong Ati sa Boracay. Ang larawang kaniyang ibinahagi ay ang anak niyang si Josh at ang mga katutubong kaibigan nito.

Ilang taon din silang naninirahan noon sa Boracay sa pagnanais na matulungan ang mga katutubong Ati.

“In 1993 my wife Maria and I took our 2 kids Josh and Izzy and another family (Dave and Judy) joined us and we went to live in Boracay to see how we could help the Ati,” Pagsasalaysay ni Patrick.
“We started a daycare center which was also a little school where many of the Ati kids held a pencil for the first time,” dagdag pa niya.

Naging matagumpay naman ang ipinatayo nilang paaralan doon at dito na nga nagsimula ang paghahanap nila ng mga sponsor mula sa Malta upang maipagpatuloy ang edukasyon ng mga kabataang ito.

“We felt education was the key to helping them in the long run. A lady from Tablas that lived in Boracay came along side us and offered to teach the kids. The school evolved and we started to find sponsors from Malta for the Ati kids’ education also providing a meal each school day,” komento pa ni Patrick.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagtulong nilang ito sa mga katutubong Ati at nagbabalik na rin si Josh at ang fiancé niyang si Georgia na ipagpatuloy at muling palaguin ang nasimulan nilang ito para sa mga katutubong Ati.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.