Connect with us

Viral

Isang bagong kasal sa Ilocos Sur, hindi na halos makita dahil sa napakaraming pera na nakasabit sa kanila na halos puro isang libong piso sa kanilang money dance!

Published

on

Madalas nating naririnig sa mga ordinaryong Pilipino na mas gugustuhin nilang magkaroon ng simpleng kasalan lamang kaysa ang gumastos ng milyon para lamang sa isang enggrandeng kasal. Mas marami kasi ang nagpapahalaga ngayon sa pagiging simple, pagiging praktikal, at pagiging matipid.

Mas nais din kasi nilang gastusin ang kanilang pera sa mas importanteng mga bagay. Ngunit hindi rin naman natin masisisi ang mga nais nang enggrandeng kasalan dahil minsan lang din itong mangyari sa kanilang buhay.

Lalong-lalo na kung mayroon naman talaga silang kakayahan na maghanda ng isang bonggang kasalan. Kamakailan lamang ay marami na naman ang napasana-all matapos kumalat sa social media ang larawan ng bagong kasal na ito mula sa Ilocos Sur.

Ang bagong kasal ay nakilala bilang sina Mark at Juliemae Quiton. Talaga namang hindi na sila maaninag pa dahil sa napakarami at napakalaking halaga ng salapi ang nakasabit sa kanilang mga katawan.
Kapansin-pansin din na tila puro isang libong pera ang mga ito. Ayon sa ilang mga ulat ay umabot ng Php500,000 ang regalo na ito sa kanila ng kanilang mga magulang noong Disyembre 16.

“Ngayon ‘yong P500,000 ay nasa bangko at gagamitin namin ‘yon like as a foundation para sa mga emergencies at para na rin sa mga pangarap namin ay doon kami kukuha o dadagdagan, ” pagbabahagi ni Juliemae sa naging panayam sa kanila ng ABS-CBN news.

Samantala, hindi naman magkamayaw ang mga netizens dahil sa laki ng halagang ito. Napa-“sana all!” na lamang ang marami dahil sa tiyak na mas magiging handa talaga ang bagong kasal sa pagharap sa kanilang kinabukasan lalo na kung mayroon na silang karagdagang pera na panimula para sa binubuo nilang pamilya.

Mapalad din naman sila dahil mayroon silang mga magulang na mapagbigay at mahal na mahal sila. Marami din namang mga netizens ang nagpaabot ng pagbati sa bagong kasal para sa bagong yugto ng kanilang buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.