Connect with us

Viral

Isang lalaki mula sa Thailand ang malaki ang pagkakahawig sa Hollywood celebrity na si Vin Diesel!

Published

on

Hindi na bago sa atin ang makakita ng mga taong malaki ang pagkakamukha o pagkakahawig sa mga kilala nating sikat na personalidad. Madalas pa nga ay nagiging magandang pagkakataon ito upang mapansin tayo ng publiko o di kaya naman ay magkaroon tayo ng magandang trabaho sa hinaharap.

Hindi kasi talaga magkamayaw ang mga tao lalo na kung mayroon kang kamukhang artista o sikat na personalidad. Halimbawa na lamang ang isang lalaki na ito mula sa Thailand.

Taong 2019 kasi nang nagbahagi siya ng ilang mga larawan niya sa social media kung saan maraming mga netizens ang nakapansin na kamukha niya talaga ang Hollywood star na si Vin Diesel!

Si Mark Sinclair o mas nakilala at hinangaan natin bilang si Vin Diesel ay 54 taong gulang na aktor at producer. Nakilala siya sa kaniyang karakter na si Dominic Toretto sa “Fast & Furious franchise”.

Talaga namang marami ang humahanga at rumerespeto sa kaniya dahil sa isa siyang mahusay na aktor. Noon pa man ay marami na siyang tagahanga dahil hindi na rin mabilang ang mga nagawa niyang proyekto.


Sa kabila ng kasikatan at tagumpay na kaniyang nakamtan at simple pa rin ang kaniyang pananamit. Kahit simple ay talagang tumatak pa rin ito sa marami niyang tagahanga. Madalas siyang nakasuot ng kulay puti na tshirt at mayroon din siyang kwintas na krus.

Noon pa man ay wala na siyang buhok at malaki na rin ang kaniyang pangangatawan. Kung kaya naman talagang kinagiliwan ng maraming mga netizens ang Thai national na ito na nagmistulang kakambal ni Vin Diesel sa tuwing magbabahagi siya ng mga larawan niya online.

Dahil nga rin sa malaking pagkakahawig niya sa aktor ay talagang ginaya na niya ang ekspresyon ng mukha nito at ang ilang mga larawan. Maging ang ilang sikat na video clips ng American actor ay hindi rin niya pinalampas.

Umani ito ng napakaraming komento at papuri mula sa publiko.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.