Connect with us

Viral

Isang ina, tinulungan ang kaniyang anak na magligpit ng mesa nang makita nitong nahihirapan siya sa kaniyang trabaho.

Published

on

Ang pagiging isang ina ay talagang malaking responsibilidad. Sa oras na naging isa ka nang ina ay talagang kailangan mo nang maging responsable dahil hindi ka na lamang nabubuhay para sa iyong sarili kundi para na rin sa iyong mga anak na umaasa sa iyo.

Sabi nga ng marami, kapag ikaw ay isa nang ina, talagang gagawin mo ang lahat para sa iyong mga anak. Kahit na mahirapan ka o magsakripisyo ka pa. kahit nga ang pagkain na isusubo mo na lamang ay ibibigay mo pa sa iyong anak.

Tunay nga na walang makakapantay sa pagmamahal ng ating ina sa atin. Tulad na lamang halimbawa ng ginawang ito ng isang ina para sa kaniyang anak.

Marami ang nakapansin sa kwento na ito ng isang ina na lahat ay kayang gawin para sa kaniyang anak. Hindi maipagkakailang iba talaga ang pagmamahal at pagmamalasakit ng isang ina sa kaniyang anak.

Isang netizen na nakilala sa pangalang Rubie Lyn Mendoza ang nagbahagi sa social media ng ilang mga larawan ng kaniyang ina. Ang nanay na ito ay nakilala bilang si nanay Emilia. Nakuhanan ni Rubie Lyn na nagliligpit ng mesa ang kaniyang ina dahil gusto nitong tulungan ang kaniyang kapatid na si Jann na doon ay nagtatrabaho.

Kapansin-pansin kasi na napakaraming tao ng mga oras na iyon at talagang kailangan ni Jann ng tulong. Bibisitahin sana nila ang kaniyangaa kapatid ngunit masyado itong abala sa kaniyang trabaho ng mga oras na iyon.


Nagulat na lamang si Rubie Lyn dahil matapos niyang bumili ng kanilang makakain ay nakita na lamang niya ang kaniyang ina na nagliligpit ng mga kalat sa isang mahabang mesa. Dahil sa naantig siya sa ginawa ng kaniyang ina kung kaya naman kinuhanan niya ito ng larawan.

Marami din namang mga netizens ang natuwa at naantig sa kwento na ito ng mag-ina.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.