Connect with us

Viral

Isang Pinay OFW na mayroong tatlong nobyo, napagitna sa pagtatalo at pag-aaway ng kaniyang mga kasintahan!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagpasok sa isang relasyon sa kapwa man Pilipino o kahit pa sa ibang lahi. Madalas na nakakapanuod o nakakapakinig tayo ng mga nakakakilig na kwento ng mga Pilipinong nakakatagpo ng kaniyang “forever” sa ibang bansa kung saan sila nakatira o di kaya naman ay kung saan sila nagtatrabaho.

Ngunit nagkakaroon din naman ng ilang mga sitwasyon kung saan pumapangit at hindi nagiging maganda ang paningin sa atin ng ibang mga dayuhan dahil sa ginagawang panloloko ng iba nating kababayan sa ibang bansa. Tulad na lamang ng isang Pinay OFW na ito na nakuhanan pa ng video matapos niyang maipit sa away ng kaniyang mga nobyo!

Hindi lamang kasi dalawa ang kaniyang kasintahan, kundi tatlo! Aminado din naman ang maraming mga Pilipino na malungkot talaga ang mag-isang manirahan o magtrabaho sa ibang bansa.

Ngunit sapat nga ba itong dahilan upang hindi ka maging matapat sa iyong minamahal? Maraming mga netizens ang talagang napataas ng kilay nang kumalat ang video na ito ng mga lalaking nag-aaway dahil sa nagkikita-kita sila sa iisang lugar kung saan naroroon din ang kanilang nobyang Pilipina.

Makalipas pa ang ilang sandali ay agad nang sumakay ng taxi ang Pilipina upang iwanan ang tatlong nobyo nitong nag-aaway-away. Paalala naman ng marami nating mga kababayan na OFW rin sa ibang bansa, huwag naman sanang hayaan na maging masama ang imahe ng maraming mga Pilipino sa mga dayuhang bansa.


maraming mga Pilipino sa mga dayuhang bansa.

Madalas kasi ay nahuhusgahan din ang mga kababayan natin na wala namang ginagawang masama. Mas mabuting maging responsable tayo sa ating mga desisyon sa buhay na maaaring makaapekto sa mas marami sa atin.

Maaari naman tayong maging loyal o maging tapat sa ating minamahal kahit malayo tayo sa kanila o di kaya naman ay makuntento na tayo kung mayroon tayong isang karelasyon na foreigner o dayuhan sa ibang bansa, hindi ba? Huwag din sana nating kalilimutan na maaaring bumalik sa atin ang mga ginagawa nating ito kung hindi natin imumulat ang ating mga mata.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.