Connect with us

Viral

Isang babae ang nag-alok ng kasal sa kaniyang nobyo na nasa loob ng bilangguan!

Published

on

Marahil marami sa ating mga Pilipino ang talagang lumaki na sa kultura at tradisyon na ang mga lalaki ang nag-aalok ng kasal at hindi ang mga babae. Kung mangyayari man ito ay talagang hindi ito magiging katanggap-tanggap lalo na sa mga matatanda.

Kung kaya naman marami sa mga magkasintahan ang talagang naghihintay muna sa pagiging handa ng lalaki sa kasal bago nila ito pagdesisyunan. Ito ay isang napakalaki at napakabigat na desisyon kung kaya naman hindi natin ito dapat ipagsawalang-bahala lamang at madaliin.

Sa kabila ng katotohanang ito ay marami pa rin ang humanga at bumilib sa isang babaeng ito na matapang na nag-alok ng kasal sa kaniyang minamahal na nasa loob ng bilangguan. Ang kwentong ito ay ibinahagi mismo ng Facebook page ng BJMP Balamban MJ (Bureau of Jail Management and Penology – Balamban Municipal Jail).

Ito ay matatagpuan sa Balamban, Cebu. Binati rin naman sila ng “Happy Proposal Day”. Agad namang sumagot ng “Yes!” ang lalaking inalok ng kasal na talagang nagpakilig sa maraming mga taong nakasaksi at sa mga netizens.

Upang maprotektahan ang pagkakakilanlan ng magkasintahan ay hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang jail management patungkol sa kanilang mga pangalan, sa kaso ng lalaki at sa kanilang mga plano patungkol sa kanilang kasal. Para naman sa maraming mga netizens, posibleng sa loob na ng kulungan sila ikasal o di kaya naman ay malapit nang makalaya ang lalaki kung kaya niyaya na siya ng kaniyang kasintahan na magpakasal.


Isang netizen rin naman ang nag-alok na bibilhan niya ng wedding cake ang magkasintahan sa araw ng kanilang kasal. Tunay ngang walang makakahadlang sa tunay na pag-ibig.

Hindi ang edad, ang estado sa buhay o ang kahit anong mga bagay pa ang makakapigil sa dalawang pusong nagmamahalan. Patunay lamang ang kwento na ito na kahit anong mangyayari ay makakagawa at makakagawa tayo ng paraan upang maging masaya kapiling ang taong pinakamamahal natin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.