Connect with us

Viral

Isang praktikal na mister, binigyan ng sinigang bouquet ang kaniyang misis!

Published

on

Kaniya-kaniyang post sa social media ang maraming mga netizens patungkol sa natanggap nilang mga Valentine gifts mula sa kanilang mga minamahal. Mayroong nakatanggap ng cake, chocolate, at mga bulaklak.

Samantalang ang iba naman ay nakatanggap ng sorpresang regalo o di kaya naman ay sorpresang date mula sa kanilang mga nobyo o asawa. Ibinahagi naman ng netizen na si JL Fructouso Peña sa Facebook page na Home Buddies ang ibinigay sa kaniyang bouquet ng kaniyang mister.

Hindi ito money, chocolate, o flower bouquet kundi isang ulam bouquet! Napaka-wais at talaga namang napakapraktikal dahil ang bouquet na natanggap niya mula sa kaniyang asawa ay literal na makapagluluto ka na ng sinigang!

“Happy Heart’s Day po mga Kapitbahay, Nasurprise na po ba lahat? Ito po ang Best Valentine’s Gift sa kin may pang Lunch npo kami Thank you Daddy Ajhay Peña. God bless us all!” Caption ni JL sa kaniyang post.

Talaga namang marami ang kinilig sa paandar na ito ng kaniyang mister. Marami din ang nagkomento at napa-sana all dahil hindi rin naman lahat sa atin ay nakatanggap ng espesyal na regalo sa araw na ito.

Samantala, mayroon din namang ilang mga netizens ang nagbahagi ng mga natanggap nilang regalo tulad na lamang halimbawa ng puso ng saging, isang sako ng bigas, at isang kahon ng gatas ng sanggol na natanggap din nila mula sa kanilang mga minamahal at marami pang iba. Talaga namang napakasarap makatanggap ng kahit anong regalo mula sa ating minamahal lalo na kung talagang pinag-isipan nila ito ng husto.

Sa panahon natin ngayon, marami na talaga tayong pinagdaan na talagang mas nagpatatag pa sa ating mga Pilipino. Hindi ang pandemya, kahirapan, korapsyon, o sakuna ang makakapagpahina ng ating mga kalooban.

Ano man ang ating sitwasyon ay makakahanap ng paraan ang bawat isa sa atin na maging masaya at magkaroon ng pag-asa sa gitna ng maraming pagsubok.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.