Connect with us

Viral

Isang doktor na sinikap maging piloto, nagpasalamat sa kaniyang asawa sa pagsuporta nito sa kaniya hanggang maabot na niya ang kaniyang pangarap!

Published

on

Marahil, bata pa lamang tayo ay madalas na tayong tinatanong kung ano nga ba ang gusto natin sa ating paglaki. Anong propesyon o anong karera nga ba ang ating tatahakin sa buhay?

Ngunit madalas ay marami ding mga bagay ang nakakaapekto at nagiging dahilan kung bakit hindi natin naipagpapatuloy ang pangarap nating trabaho. Kamakailan lamang ay marami ang namangha sa dating doktor na ito na ngayon ay isa nang ganap na doktor.

Siya ay nakilala natin bilang si Erwin Conrad Abueva. Ibinahagi niya ang kaniyang naging karanasan sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap katuwang ang kaniyang pinakamamahal na asawa.

Nang mga panahon na nagdesisyon siyang tuparin ang pangarap niya bilang isang piloto ay nagpapractice na siya ng kaniyang propesyong medikal bilang contractual sa ilang ospital. Kakasal lang din nila ng kaniyang asawa at nagbabayad pa sila noon ng bank mortgage at iba pang utang.

Hindi din naman nila gustong humingi pa ng tulong sa ibang tao o sa kanilang mga magulang dahil naniniwala silang mag-asawa na tapos na ang obligasyon ng mga magulang nila sa kanila buhat nang magkatrabaho sila at magpakasal. Pareho rin sila ng kaniyang misis na naniniwala sa kasabihan na “Buntot namin, hila namin.”

Dahil dito ay kinausap niya ang kaniyang kabiyak at sinabi ang kaniyang mga plano. Nagdesisyon silang ibenta muna ang kanilang bahay ng mga panahong iyon upang magamit niyang pambayad sa kaniyang matrikula sa flying school na nagkakahalaga ng $33,000!

Ito ay katumbas ng mahigit 1.6 milyong piso! Kalahati ng napagbentahan ng kanilang bahay ay napunta dito habang ang kalahati naman ay ginamit na puhunan sa negosyo ng kaniyang asawa.

Hindi nagtagal at naging matagumpay din ang kaniyang training at bago pa man siya tumungtong sa edad na 40 ay naging isa na siyang ganap na siyang piloto. Talaga namang malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang misis na si Meriam Santiago Abueva dahil hindi siya nito hinadlangan sa kaniyang mga pangarap bagkus ay sinikap nilang dalawa na harapin ito at pagtulungan ito nang magkasama.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.