Connect with us

Viral

Pera sa labadang mga damit, minsan ka na din bang napangiti nito?

Published

on

Dito sa Pilipinas, madalas na ang mga ina o ilaw ng tahanan ang gumagawa ng mga gawaing-bahay. Maraming dahilan kung bakit talagang mga babae ang nakatoka sa mga gawaing ito.

Marahil ay pagod na din ang ama o haligi ng tahanan sa maghapon na pagtatrabaho at pagbabanat ng buto para sa pamilya kung kaya naman nais na lamang ng ina na makapagpahinga sila. Lingid sa kaalaman ng marami ay marami din namang ginagawang trabaho ang mga ina mula sa pag-aalaga ng kanilang mga anak hanggang sa pag-aasikaso ng kanilang buong tahanan.

Isa na marahil sa mga pinakamahirap at pinakamatrabahong gawain ng mga nanay ang paglalaba. Ang tipikal kasing paglalaba natin noon ay ang pabababad ng mga damit, pagpapaikot nito sa washing machine, pagbabanlaw ng tatlong beses, minsan ay mayroon pa tayong inilalagay na pampabango (fabric conditioner), at saka pa lamang natin isasampay.

Ngunit pagkatuyo din naman ay kailangan din natin itong tupuin lahat at ibalik mula sa ating mga lalagyan o damitan. Sa ngayon ay mayroon na din namang mga paraan kung paano mapapadali ang gawain nating ito.

Halimbawa na lamang ang gamit na washing machine ng netizen na si Erick Rugayan. Ibinahagi niya sa Facebook page ng Home Buddies kung gaano siya kasaya sa kaniyang paglalaba.

Paano ba naman kasi ay mayroong ilang paper bills siyang nakuha nang i-dryer niya ang kanilang mga damit. Halos anim na P1,000 ang nasa larawan, anim na P500, at mayroon ding ilang P100 buo.


“Totoo ang balita na may pera sa labada, dryer po kasi ‘yan kaya hindi na basa ‘yung pera,” Caption ni Rugayan sa kaniyang post.

Maraming mga netizens ang hindi nakatiis at nagkomento talaga patungkol sa pangyayaring ito. Kung sila man daw ang makakaranas nito ay talagang mangingiti at sisipagin silang maglaba kahit araw-araw pa.

Talaga namang sisipagin ka sa oras na may makita kang pang-merienda o di kaya naman ay pang-online shopping sa mga damit na iyong nilabhan, hindi ba?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.