Connect with us

Viral

Isang bato na nagkakahalaga pala ng 3sang bato na nagkakahalaga pala $3.3 milyon, natagpuan ng isang mangingisda habang naglalakad siya sa dalampasigan!

Published

on

Sa kabila ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin at pangunahing pangangailangan natin, hindi pa rin nagkakaroon ng dagdag ang sweldo ng maraming manggagawang Pilipino. Dahil dito ay mas nagiging mahirap ang makaraos sa araw-araw.

Para bang kahit anong pagsusumikap at pagpapagal mo sa buhay ay hindi rin naman masusuklian ng pagkakaroon ng maayos na kinabukasan. Sa kabila ng reyalidad na ito, marami pa rin sa atin ang nagpapatuloy na lamang sa buhay.

Nagpapatuloy na magsumikap at magbanat ng buto sa araw-araw. Tulad na lamang ng isang mangingisda na ito na isang Thai.

Sinong mag-aakala na isang araw ay mayroon siyang matatagpuan na isang napakahalagang bagay habang siya ay naglalakad sa dalampasigan? Isang suka ng balyena o whale vomit ang kaniyang natagpuan sa Laem Thalumpuk Beach.

Agad namang inuwi ni Narit, 60 taong gulang, ang batong ito sa kanilang tahanan. Noong una ay inakala pa niyang ordinaryong mineral o bato lamang ito ngunit matapos niyang magsaliksik sa internet ay napag-alaman niyang isa pala itong ambergris.

Ang ambergris ay isang mamahaling mineral na nakukuha lamang sa isang balyena. Ang natagpuan ni Narit ay may timbang na 100 kilogramo at nagkakahalaga pala ng tumataginting na $3.3 milyon!
$3.3 milyon!

Ang mineral na ito ay hindi magaspang kapag tinapat at pinainitan sa apoy. Pangunahin itong ginagamit sa paggawa ng mga pabango dahil nakatutulong itong mas mapatagal ang amoy ng pabango sa katawan.

Ayon sa ilang mga ulat ay mayroon na ring ilang nagnanais na bilhin ang natagpuang ambergris ni Narit. Marami ding mga eksperto at siyentipiko ang nagnanais na makita at pag-aralan ang batong ito.

Noon pa man ay marami na ang nakakakita at nakakatagpo ng ambergris sa Thailand. Noong 2019 ay mayroong isa pang mangingisda na nakahanap ng 6.5 kilo nito na naibenta niya ng halagang $470,000!

Isang scavenger din ang nakahanap ng 16 kilo ng suka ng balyena na nagkakahalaga nama nng B20 million!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.