Connect with us

Viral

Isang mag-asawa ang nanirahan sa imburnal sa loob ng 22 taon at talagang kinagulat ng publiko ang hitsura ng kanilang tahanan sa loob!

Published

on

Ang pagkakaroon ng tahanan ay isa sa pangunahing pangangailangan ng tao lalo na sa panahon na umalis na sila sa poder ng kanilang mga magulang. Upang makapamuhay ka kasi ng maayos ay kailangan mo talaga ng maayos na tirahan na iyong uuwian.

Ngunit sa hirap ng buhay natin ngayon, madalas ay hindi na rin ito ang prayoridad ng marami sa atin. Mas inuuna at binibigyang-halaga natin ang pagkain sa ating hapag-kainan.

Nakakalungkot na lamang talaga na marami sa atin ang pinipili na lamang manirahana sa kalye at sa ibang delikado lugar kasama ang kanilang buong pamilya dahil wala rin naman silang ibang pupuntahan. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat sa mag-asawang ito na sa loob ng 22 taon ay sa loob pala ng isang imburnal sila nakatira.

Maaaring madumi, mabaho, at delikado ang tingin dito ng nakararami sa atin, ngunit para sa mag-asawang sina Maria Garcia at Miguel Restrepo ng Medellin Colombia. Bago sila magkakilala ay nalulong silang dalawa sa masamang bisyo.

Nang natagpuan nila ang isa’t-isa ay nagdesisyon silang magbagong buhay nang magkasama. Ngunit dahil salat sila sa pera at iba pang materyal na bagay, nagdesisyon na lamang silang manirahan sa loob ng isang imburnal.

Ngunit kung inaakala ng marami na marumi at mabaho ang kanilang tirahan, marami silang nagkakamali dahil ang katotohanan ay tila isang ordinaryong bahay langa din naman ito. Mayroon silang komportableng higaan at lagayan ng mga damit.

Kasama din nila roon ang alaga nilang si Blackie na itinuring na nilang tunay na anak. Masaya naman ang mag-asawa sa kanilang tirahan sa loob ng 22 taon.

Laking pasasalamat din nila dahil mayroon na rin silang kuryente at tubig dito. Hindi na nila alintana ang mga panghuhusga at sinasabi ng ibang tao sa kanilang paligid.

Basta ang mahalaga ay magkakasama sila at masaya silang namumuhay nang walang tinatapakang tao.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.