Connect with us

Viral

Isang 40-anyos na ina, napagkamalan na kapatid lamang ng kaniyang 19 taong gulang na anak!

Published

on

Hindi biro ang maging isang ina lalo na sa panahon natin ngayon. Talagang magsasakripisyo ka at mahihirapan magmula sa pagbubuntis, panganganak, at hanggang sa pag-aaruga mismo ng iyong mga anak.

Mapalad ka kung mayroon kang magiging katuwang sa buhay at sa pag-aalaga sa iyong mga anak. Ngunit hindi naman lahat sa atin ay nabibiyaan ng taong makakasama at makakatuwang natin sa habangbuhay.

Kamakailan lamang ay labis na namangha ang publiko sa isang single mother na ito. Marami kasi ang nakapansin na hindi nalalayo ang hitsura nito sa 19 na taong gulang niyang anak na babae.

Siya ay nakilala bilang si Ayumi Kawabata mula sa Japan. Siya ay 40 taong gulang na ngunit marami ang napagkakamalan siyang kapatid lamang ng kaniyang teenager na anak.

Siya ay isa ring single mom. Nag-aaral siya noon sa kolehiyo nang siya ay mabuntis at huminto na sa pag-aaral.

Nagpakasal siya sa kaniyang nobyo na nakabuntis sa kaniya ngunit hindi rin nagtagal ang kanilang pagsasama. Sa edad na 26 taong gulang ay naghiwalay rin sila.

Sinikap niyang itaguyod ang kaniyang anak katuwang lamang ang kaniyang mga magulang. Muli siyang bumalik sa pag-aaral sa tulong na rin ng kaniyang mga magulang.

Naging magtagumpay naman siya at malaki ang pasasalamat niya sa kaniyang mga magulang. Dahil sa angkin niyang kagandahan at balingkinitang pangangatawan sa kabila ng kaniyang edad ay marami ang nagtatanong kung ano nga ba ang kaniyang sikreto.

Ayon kay Ayumi, hindi raw niya kinakaligtaan ang “sun protection” at “moisturizing”. Nag-rerejuvenate din daw siya dalawang beses sa isang linggo at nagyo-yoga sa loob ng limang taon.

Tunay nga na napakahalaga talaga nang pagkakaroon natin ng wastong pangangalaga sa ating kalusugan at panlabas na anyo. Dahil tiyak na mas makakasama natin ng matagal ang mga mahal natin sa buhay kung mas maiingatan natin ang ating mga sarili.

Hindi lamang ito para sa atin kundi para na rin sa pinakamamahal nating pamilya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.