Connect with us

Viral

Lalaking sumikat noon dahil sa kaniyang linyang “Wala na. Finish na.” nagbagong buhay na at binago ng Panginoon!

Published

on

Marahil ay mayroon pa ring iilan sa atin ang nakakaalala sa lalaking na-interview noon at nagsabing “Wala na. Finish na.” Ito lamang ang mga salitang nasambit niya matapos niyang pagtangkaang gahasain ang isang babae dahil lamang sa lulong ito sa ipinagbabawal na gamot.

Sa panahon natin ngayon, kung saan si Pangulong Duterte pa rin ang namumuno sa ating bansa, talagang naging mahigpit ang pamahalaan lalo na pagdating sa ipinagbabawal na gamot. Ito kasi ang nagiging sanhin ng napakaraming krimen.

Kung noon ay napakaraming balita ng krimen dahil lamang sa mga taong gumagamit at umaabuso sa ipinagbabawal na gamot, ngayon ay unti-unti na itong nabawasan dahil sa takot nilang sila ay magaya sa mga nauna na. Makalipas nga ang halos kalahating dekada ay muli na namang nasilayan ng publiko ang lalaking ito na nakilala bilang si Bethoven Delmar, Jr. na noong mga panahon na iyon ay 25 taong gulang pa lamang.

Ayon sa naging pahayag niya, nasambit lamang daw niya ang mga salitang iyon dahil kung nagkataon na nakaupo na sa pagka-Pangulo noon si Pangulong Duterte ay tiyak daw na wala na at finish na ang kaniyang buhay. Ngunit laking pasasalamat niya pa rin dahil sa tila nabigyan pa siya ng isa pang pagkakataon.

Sa ngayon ay talagang binago na ng Panginoon ang kaniyang buhay ayon na rin sa naging pahayag ng ng Christ’s servant na si Garry B. Gonzales. Naging kontrobersiyal man daw noon ang mga katagang kaniyang binitawan, ngayon ay isa na siyang bagong indibidwal dahil na rin sa biyaya at awa ng Diyos.

“With one of our first-time visitors yesterday, the guy who went viral for his famous line ‘wala na, finish na’. Praise the Lord, he accepted Christ as his personal Lord and Savior. Praying for his growth and baptism soon,” Pahayag ni Gonzales.

“He told me that he uttered that famous line to mean that he could have been d3ad or finished already if he was put behind bars during Pres. Duterte’s term, which just happened a few weeks before the president’s installment into office. Now, we finally see God’s purpose. Truly, Jesus still saves and His word changes anyone’s life!” Dagdag pa niya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.