Connect with us

Viral

Isang lalaki, huling-huli sa CCTV habang itinatakbo ang isang washing machine?!

Published

on

Ano kaya ang iyong magiging reaksyon sa oras na ikaw ay makakita ng isang lalaking tumatakbo na mayroong buhat buhat na malaking washing machine? Ire-report mo ba ito sa pulis o di kaya naman ay hahabulin mo dahil sa aakalain mong isa itong magnanakaw?

Kamakailan lamang ay talagang agaw-pansin sa social media ang lalaking ito na mayroong buhat buhat na malaking washing machine! Kuhang kuha ito sa CCTV kung kaya naman nagulat ng husto ang taong nagbabantay sa harap nito.

Buti na lamang at may nagpaliwanag sa kaniya na ang lalaking ito na isa sa mga residente ng Sampaloc, Maynila ay kasali pala sa “Bring Me challenge” ng kanilang kapitan para sa kanilang piyesta. Dahil sa pandemya ay hindi muna pinayagan ang pagtitipon-tipon ng maraming tao kung kaya naman nag-abang ang mga residente sa kaniya-kaniya nilang bahay.

Nang magbigay na ng senyales ang kanilang kapitan ay agad na ngang kumuha ng washing machine at tumakbo ang naturang lalaki. Ang lalaking ito ay nakatanggap ng P500 bilang premyo na hinati naman niya sa kaniyang kapitbahay na nagpahiram sa kaniya ng washing machine.

Talaga namang nakakatuwa ang ganitong mga selebrasyon dahil noon pa man ay hilig na nating mga Pilipino ang mga palaro sa piyesta. Kinagiliwan ng maraming mga netizens ang pakulong ito at hindi nila akalain na makakaya ng isang lalaking dalhin at bitbitin ang malaking washing machine na ito.

Dahil lamang sa pandemya kung kaya naman hindi na natin ito naipagpatuloy pa. Ngunit dahil na rin sa patuloy na pagbaba ang mga nagpopositibo at sa dumaraming bilang ng mga nababakunahan ay kahit papaano ay nagagawa na nating magsaya at magsama-sama kahit papaano.

Sana ay magtuloy-tuloy na ang pagbangon natin sa kabila ng pandemyang ito upang kahit papaano ay mas ma-enjoy pa ng marami ang mga ganitong klase ng selebrasyon kasama ang kanilang mga kaibigan at pamilya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.