Connect with us

Viral

Dalawang batang lalaki, bumili ng damit sa ukay-ukay sa halagang P100 para pangregalo sa kanilang ina na nagdiriwang ng kaarawan!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ay talaga namang mabigat na responsibilidad. Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi ito magandang karanasan lalo na para sa mga magulang na nakapagpalaki ng mabubuting anak.

Hindi rin naman kasi lingid sa ating kaalaman na hindi naman lahat ng mga anak ay talagang mabubuting anak dahil may iilan din namang pasaway sa kanilang mga magulang. Ngunit napakasarap lang talaga sa pakiramdam na magkaroon ka ng mga anak na talagang nagpapakita sa iyo ng respeto at pagmamahal.

Tulad na lamang ng magkapatid na ito na minsan nang umantig sa puso ng maraming mga netizens. Sa ibinahaging kwento kasi ng may-ari ng ukay-ukay na si Sarah Alexandrea Daculap, napansin niyang maagang pumasok sa kaniyang shop ang dalawang batang lalaki na kalaunan ay nalaman niyang magkapatid pala.

Nagtataka siya kung bakit tila pambabae ang hinahanap nilang damit kung kaya naman ninais nang tumulong ni Sarah. Nagulat siya at talaga namang namangha nang malaman na ang kaniya palang mga kostumer ay namimili ng damit para sa kanilang ina na nagdiriwang ng kaarawan ang araw ding iyon.

Mayroon daw silang P100 piso kung kaya naman sinisikap nilang makahanap ng magandang damit para sa kanilang nanay. Talaga namang nakakatuwa ang mga batang ito dahil sa halip na ipambili para sa kanilang sarili ang perang hawak nila ay naisip pa nilang sorpresahin ang kanilang pinakamamahal na ina.


Hindi lahat ng mga anak ay ganito ngunit kung ganito naman ang iyong mga anak ay talagang labis kang magagalak. Maraming mga netizens din ang nagkomento kung gaano ka-sweet ang mga batang ito at kung gaano kapalad ang kanilang ina dahil sa lumaking mapagmahal ang mga ito.

Sana ay mas marami pang mga anak ang makakita sa pagsasakripisyo at pagmamahal sa kanila ng kanilang mga magulang. Hindi na rason pa ang kahirapan upang magkagalit-galit o magkatampuhan, dahil ang pamilyang nagmamahalan at tiyak din na sama-samang magtatagumpay sa hamon ng buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.