Connect with us

Viral

Isang mabait na babae ang nag-alok ng pambiling pagkain sa magigiting na sundalong ito!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, uso pa nga ba ang pagiging mabuting tao? Madalas kasi na nababalitaan natin ay mga karahasan, terorismo, pandemya, krimen at marami pang hindi magagandang bagay.

Hindi rin nahihinto ang mga balita ng pagtaas ng presyo ng krudo, bigas, kuryente, mga gulay, karne, at iba pang pangunahin nating pangangailangan. Maging ang sweldo o sahod ng maraming manggagawa ay hindi rin naman nadaragdagan.

Nakakalungkot talaga dahil sa gitna ng pandemyang ito, umaasa tayo na makarinig man lamang ng magagandang balita upang kahit papaano ay mas maging matatag at positibo tayo. Buti na lamang ay kahit papaano ay mayroon pa rin palang ilang mga Pilipino na nagpapakita ng pagmamalasakit sa kanilang kapwa.

Tulad na lamang ng isang babaeng ito na nag-alok ng pambiling pagkain para sa ilang mga sundalo. Ayon sa ibinahaging post ni NAZ TV, ay umorder sila noon sa isang branch ng Jollibee sa Borongan City, Samar.

Hindi raw nila inaasahan na kukuha ito ng pera (P1,000) sa kaniyang pitaka at ibinigay sa isang sundalo. Sinabi ng babae na bumili raw sila ng pagkain dahil batid niyang pagod na rin sila.
Natuwa ang mga sundalo ngunit hindi nito tinanggap ang pera, ibinalik niya ito sa babae at nagpasalamat ng husto. Okay pa naman daw sila at kakasweldo lamang.

Mayroon din daw silang natanggap na bonus kung kaya naman hindi na nila matatanggap pa ang kabutihang-loob ng babae. Ibigay na lamang daw niya ito sa mas nangangailangan pa.
Samantala, maraming mga netizens naman ang labis na natuwa sa babae at talagang pinuri nila ng husto pagkakawang-gawa nito. Talaga namang ikinatuwa ito ng maraming mga netizens dahil sa kabila ng nararanasan natin ngayon ay mayroon pa ring iilang Pilipino na talagang nagpapakita ng pagmamalasakit sa kanilang kapwa.

Kung mas marami pa sana ang magiging ganito ay tiyak na mas lalaganap ang kabutihan kaysa pagiging makasarili lalo na sa panahon natin ngayon.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.