Connect with us

Viral

Isang lalaki ang ginawang kabuhayan ang kaniyang libangan lamang noon. Ngayon ay kumikita na siya ng “5-figure salary”!

Published

on

Bata pa lamang ay talagang mahilig nang mag-alaga ng Betta fish ang 27 taong gulang na Malaysian na ito. Ngunit hindi akalain ng kaniyang malalapit na kaibigan na gagawin niya palang magbitiw sa kaniyang trabaho at gawin nang kabuhayan ang libangan niyang ito.

Ayon pa sa naging pahayag noon ni Mohd Fajiha Alaihis, sa tuwing uuwi siya galing trabaho ay deretso talaga siya muna sa kaniyang aquarium upang masilayan ang kaniyang mga alagang isda. Nawawala daw kasi ang pagod niya sa pagtitig lamang sa mga ito.

Minsan nga daw ay nagseselos na rin ang kaniyang asawa dahil mas gusto pa niyang tingnan ang mga alaga niyang isda kaysa sa kaniyang misis. Nagpatuloy ang libangan niyang ito hanggang sa nagdesisyon siyang ibenta ang ilan sa kaniyang mga alagang isda.

Ang Betta fish ay isang Siamese fighting fish na talagang sikat at kilala dahil sa napakaganda at magaganda nilang kulay. Naibahagi niya sa isang panayam sa kaniya kung paano nagsimula ang munting negosyo niyang ito hanggang sa lumago na ito ng lumago.

“One day, my sibling bought a good quality parent fighting fish. I tried to breed the fish and managed to sell the first baby fish in Singapore for SG$200 a pair (equals to US$145),” pahayag ni Fajiha.


“That was the time when it hits me that breeding and selling fighting fish could make a lucrative income.” Dagdag pa niya.

Kung noon ay mayroon siyang sweldo na RM1500 kada buwan bilang isang engineer o halos higit Php18,000 din. Sa ngayon ay kumikita na siya ng sampung beses na mas malaki kaysa sa dati niyang sweldo.

Mayroon na rin siyang sarili niyang shop na mayroong higit sa 8,000 na mga fighting fish na mayroong iba’t-ibang species. Siya rin ay isang kilalang breeder at seller sa Kemaman, Terengganu at chairman ng Malaysian Fighting Fish Club na naitatag noong 2017.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.