Connect with us

Viral

Optical illusion lang nga ba ito? Isang batang babae ang tila nabaon sa batuhan?!

Published

on

Maraming mga magulang ang tiyak na sasang-ayon na ang pagkuha ng mga larawan ang isa sa mga bagay na madalas nating ginagawa upang magkaroon tayo ng alaala ng mga bagay na ating ginagawa noon o mga lugar na ating napuntahan na. Ang mga larawang ito ang talagang may pangmatagalang puwang sa ating mga puso dahil sa ito ay nagsisilbing alaala ng kahapon.

Maaaring masakit ang mga imahe sa larawang ito ngunit kadalasan ay marami din naman itong magandang alaala at magandang mga bagay na ating ipinagpapasalamat. Ngunit kamakailan lamang ay mayroong isang larawan na tila naging palaisipan sa marami.

Sa larawan kasing ito ay makikita ang isang batang babae na nakasuot ng kulay pink na damit at abalang naglalaro. Ito ay ibinahagi sa social media ni John Davis at talagang marami ang nag-react at nagkomento rito.

Talaga naman kasing nakakagulat makakita ng ganitong larawan sa ngayon. Maraming mga netizens ang nagsasabing ito na marahil ang maituturing nilang “optical illusion of the year”.


Tiyak na malilito ka sa unang sulyap sa larawang ito dahil aakalain mo talagang kinain na ng batuhan ang batang naglalaro. Ngunit kung titingnan nating mabuti ang larawan na ito, makikitang tila nakapwesto ang batang babae sa gilid ng isang pader na batuhan kung kaya naman kalahati lamang ng kaniyang katawan ang iyong makikita.

Magkatulad kasi ang mga bato sa pader na bahagi ng larawan at sa bandang ibaba kung kaya naman aakalain mo talagang magkadugtong lamang sila. Tunay nga na madali tayong malinlang ng ating mga mata kung kaya naman hindi tayo dapat magpadalos-dalos.

Mas mabuti pa rin na siyasatin natin ng husto ang mga bagay bagay bago tayo humusga o magbigay ng ating opinyon. Nang sa gayon ay mas maging maayos ang ating magiging reakasyon at opinyon patungkol sa isang bagay lalo na sa isang larawan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.