Connect with us

Viral

Pamana ng isang ina sa kaniyang 11 mga anak, 17 taon ding hindi nakita ng mga ito, sobrang lawak at sobrang ganda pala!

Published

on

Hindi madali ang makapagpundar ng anumang ari-arian sa ngayon lalo na sa hirap ng buhay. Dagdagan pa ng pagsubok na kinakaharap natin dahil sa pandemya.

Ngunit mayroon pa ring iilang mga magulang na talagang nagsusumikap na makapag-iwan sa kanilang mga anak ng kaunting pamana bago man lamang sila pumanaw. Kamakailan lamang ay naging usap-usapan sa social media ang kwento ng isang mag-anak na ito na hindi inakalang mayroon palang bonggang pamana sa kanila ang kanilang ina.

Siya ay walang iba kundi si Nanay Leoning Suque na mula pa sa Camarines Sur. Noon pa man ay naikukwento na niya sa kaniyang 11 mga anak na mayroong iniwang lupa sa kaniya ang kaniyang ina.

Nasa Bicol raw ang lupa na ito. Noon pa man ay talagang napakasipag na ni Nanay Leoning, nagtitinda ito ng gulay sa Cainta, Rizal upang masuportahan ang kaniyang mga anak.

Katuwang niya rin ang kaniyang mister. Ayon sa isa sa mga anak niya na si Noel, lumaki man sila sa kahirapan noon ay punong-puno naman ng pagmamahal ang kanilang ina para sa kanila.

Siya rin daw mismo ang nagluluto ng kanilang ulam kahit pagod pa ito sa trabaho dahil sadyang napakasarap nitong magluto. Hindi rin daw nais ng kanilang ina na gumawa sila ng masama o magnakaw, ito ang palaging turo ni Nanay Leoning sa kanila.


Pumanaw naman siya taong 2004 nang dahil sa mild stroke. Ilang taon pa ang lumipas ay saka na lamang nila naalala ang lupang binabanggit sa kanila ng kanilang ina noon.

Kamakailan lamang nang sinubukan nilang silipin magkakapatid ang lupa na ito ng kanilang ina na pamana sa kanila. Matatagpuan ito sa Barangay Kutmon, Bato, Camarines Sur.

Umabot ng limang ektarya ang lawak ng naturang lupa na mayroon ding nasasakop na burol at bahagi ng isang ilog. Malapit din ito sa 50-feet tall na Bagacay Falls!

Talaga namang namangha sila sa napakagandang paraiso na ito na plano nilang pagandahin pa upang masilayan din ng iba lalo na ng mga turista.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.