Connect with us

Viral

Ito pala ang pinakamalinis na palengke sa Pilipinas, talaga namang mamamangha ka sa angking kalinisan nito!

Published

on

Natural na lamang sa maraming mga Pilipino ang magpunta sa mga pamilihan o palengke. Isa nga sa talagang binabantayan natin bilang mga mamimili ay ang pagiging malinis at maayos ng isang palengke. Dito kasi natin binibili ang ating mga pagkain kung kaya naman nais nating maging malinis at ligtas ang mga sahog at pagkaing binibili natin dito.

Marahil at madalas na rin nating marinig ang mga salitang “wet market” o “dry market”. Siyempre kapag sinabing wet market, ito ay madalas na maputik, madumi, at mayroong malansang amoy.

Dahil sa madalas na dito mabibili ang mga sariwang karne, isda, lamang dagat, at kung ano-ano pa. Samantalang sa dry market naman natin nabibili ang mga tuyong pagkain at sahog natin sa araw-araw.

Kung inaakala natin na walang maayos na wet market sa Pilipinas, marami sa atin ang nagkakamali dahil sa mayroon pala tayong maayos na wet market dito. Ito ay matatagpuan sa Bukidnon Province.

Naging usap-usapan sa social media ang napakalinis na palengke ng bayan na ito. Sa kuhang larawan ng netizen na si Kyle Jennerman, hindi mo talaga aakalain na sa Pilipinas pala matatagpuan ang palengke na ito.

Napakaaliwalas at talaga namang napakaganda ng pagkakaayos ng palengke. Maging ang kanilang palikuran ay talagang napakalinis din!

Dahil sa pambihirang hitsura ng palengke na ito ay tinagurian itong “Cleanest Wet Market in the Philippines”. Marami ang nagsasabing responsible talaga ang mga mamamayan dito kung kaya naman napapanatili nila ang angking kagandahan at kaayusan ng lugar.

Nagsilbi din naman itong inspirasyon para sa iba pang munisipalidad sa lugar at sa iba pang dako ng bansa dahil mas marami nga namang mga tao at turista ang maeengganyong magtungo at mamili sa ganitong klase ng pamilihan. Malinis, maayos, at sigurado silang ligtas ang mga pagkain na kanilang binibili.

Mas makakaiwas sa sakit at karamdaman ang maraming pamilya lalo na sa ngayon, sa gitna ng pandemya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.