Connect with us

Viral

Isang lalaking bumili ng kaniyang pustiso online, kinagiliwan ng publiko dahil sa abot langit nitong ngiti!

Published

on

Kung mayroon mang mabuting naidulot ang pandemya sa ating mga Pilipino, marahil ay mas naging malapit tayo sa ating mga mahal sa buhay at mas nakita natin ang kahalagahan ng ating mga kalusugan. Hindi biro ang pinagdaan natin ngunit mas naging matatag at nanatili tayong positibo sa buhay.

Maliban dito ay marami din namang mga negosyo o pagkakakitaan na nagsulputan. Halimbawa na lamang ay mas nakilala ang mga online shopping platforms at mas nabigyan ng pagkakakitaan ang ilang mga Pilipino.

Marami din ang naging online seller at delivery riders. Sa gitna ng mahirap na pagsubok ay makakahanap pa rin tayo ng pag-asa.

Kamakailan lamang, sa halip na madismaya ay nagsilbi pang katuwaan ang post ng isang lalaking ito na bumili ng kaniyang pustiso online. Siya ay walang iba kundi si Weng Barbadillo Formentera.

Sa kaniyang post na kinagiliwan ng maraming mga netizens ay nagpasalamat siya dahil dumating na raw ang kaniyang order na pustiso. Sinukat niya ito at talaga namang kapansin-pansin na hindi ito sukat sa kaniyang bibig.

Sa halip na magalit ay nagsilbi na lamang itong good vibes para sa maraming mga netizens. Literal na abot langit ang kaniyang naging ngiti.

Naging aral na rin ito para sa publiko na kung nais talaga nilang maging maayos ang kanilang ngipin ay magtungo sila sa kanilang mga dentista. Mas magiging maayos at ligtas ang kanilang ngipin.

Hindi rin sila mahihirapan kung maling sukat ang mabili nila sa ilang mga online shopping sites. Talaga namang maraming mga netizens ang natuwa kay Weng dahil sa gitna ng pandemya ay maaari pala nating gawing nakatutuwa ang mga hindi magagandang bagay na nararanasan natin.

Tulad na lamang ng kaniyang nabiling pustiso na literal na abot langit ang magiging ngiti mo kapag ito ang iyong isinuot. Ikaw, mayroon ka din bang karanasan katulad ng kay Weng?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.