Connect with us

Viral

Isang single dad, kinagiliwan ng maraming mga netizens matapos i-flex ang kaniyang naipundar na bahay para sa mga anak at ang paghahanap nito ng “ilaw ng tahanan”!

Published

on

Ang pagkakaroon ng mga anak ay isang mabigat na responsibilidad para sa mga magulang. Talaga namang kakailanganin mo ng matinding pasensiya at lakas ng loob upang harapin ang maraming mga pagsubok sa buhay.

Ngunit sadyang napakahirap siguro kung imbis na mayroon kang katuwang sa pagpapalaki ng iyong mga anak ay mag-isa ka lamang na sumusuporta at umaasikaso sa kanila. Tulad na lamang ng isang single dad na ito na talagang sinikap na itaguyod ang tatlo niyang mga anak.

Siya ay nakilala bilang si Don Dizon. Maraming mga netizens ang talagang natuwa sa kaniyang kwento ng tagumpay dahil kahit mag-isa lamang niyang itinaguyod ang kaniyang mga anak ay nagawa pa rin niyang makapagpundar ng sarili nilang tahanan.

“Finally, we’re moving in! Thankful and grateful for this little space to call “our very own”. Yahoo sa wakas! Tagal kong hinintay to! Hindi man kalakihan katulad ng iba pero sabi nga nila lahat naman ay nagsisimula sa maliit.” Pagbabahagi ni Dizon.

“Pangarap para sa aking mga anak na magkaroon kami ng sariling bahay. At sila ang aking mga munting inspirasyon para mabuo ang bahay na ito. All praises to God because he is the greatest!” Dagdag pa niya.

Ipinasilip din ni Don ang ilang mga larawan ng kanilang napakagandang tahanan. Talaga namang mapapansin na pinaglaanan ng panahon at pinag-isipan ng husto ang bawat sulok ng kanilang tahanan.

Mayroon ding nakakatuwang job post si Dizon para sa mga gustong mag-apply bilang “ilaw ng tahanan”. Ayon sa kaniyang post, kailangan niya ng isang ilaw ng tahanan upang lumiwanag na ang kaniyang buhay at ang kanilang tahanan.

Mayroon ding monthly budget na Php15,000 ang mapalad na mapipili. Mayroong mga benefits tulad ng SSS, PhilHealth, at life insurance.

Mayroon din daw extra na Php5,000 para sa pang-online shopping kung mapapanatiling malinis ang kanilang bahay. Tiyak na marami ang magiging interesado sa job offer na ito!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.