Connect with us

Viral

Isang wais na mommy, nagbahagi ng ilang tips kung paano ang tamang pag-budget ng Php20,000 sahod sa loob ng isang buwan!

Published

on

Napakarami nating naging reyalisasyon buhat nang magpandemya sa buong mundo. Ilan sa mga ito ay ang kahalagahan ng buo at masayang pamilya, mabuting kalusugan, at maayos na trabaho.

Sa ngayon ay talagang marami sa atin ang nananatiling positibo at matatag hindi lamang para sa ating mga sarili kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nagkaroong ng inspirasyon at nakapulot ng aral sa ibinahaging tips ng isang wais na mommy.

Siya ay si Mommy Isabel. Siya at ang kaniyang mister ay lumaking masinop at madiskarte.

Batid din niya kung paano ang maghirap muna bago makuha ng gusto dahil sa talagang pinagtatrabahuhan muna niya ang lahat bago niya ito makuha. Mayroong 5 simpleng payo si Mommy Isabel para sa pagbabudget ng mga mommies.

Ayon kay Mommy Isabel, mahalaga raw na mayroong ledger ng mga expenses o gastos. Siya mismo ay gumagamit ng Excel sheet para sa listahan ng mga bills at expenses.

Ang Excel ay mas madaling gamitin dahil sa mayroon na itong computation. Maaari din namang gumamit ng notebook bilang listahan kung walang Excel.


Importante din daw ang pagbabudget isang buwan bago pa man dumating ang inaasahang income ng pamilya. Dapat agad paglaanan ang fix expenses tulad ng mga bills, mortage, insurance, at pag-aaral ng mga bata.

Halimbawang may buwanang income o sweldo na Php20,000, ang Php10,000 dito ay ilaan na agad sa fixed expenses habang ang matitirang Php10,000 ay pagkakasyahin sa iba pang gastusin ng bahay. Mayroon ding sistema sina Mommy Isabel kung saan wala silang mga appliances na malalakas ang konsumo sa kuryente tulad na lamang halimbawa ng aircon, TV, at rice cooker.

Para sa kaniyang pamilya ay iniiwasan rin nila ang bumili ng mga mamahaling bagay at mga branded na gamit. Pagdating naman sa gas ay tipid din sila dahil ang pagluluto nila ay isang beses lamang sa loob ng maghapon.

Ang gastos naman nila pagdating sa pamasahe sa trabaho ay napupunta na lamang sa kanilang internet fee dahil sa work-from-home naman silang mag-asawa. Mayroon din daw silang savings na nakalaan para sa emergency at maging sa kanilang long term goal.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.