Connect with us

Viral

Isang masipag na ama, nakapagpatayo ng sa halagang Php50,000 sa loob lamang ng 25 araw!

Published

on

Sa panahon natin ngayon, para bang napakaimposible na para sa marami sa atin ang makapagpundar ng kahit anong ari-arian. Dahil kasi sa pandemya ay maraming mga negosyo ang napilitang magsara at mga manggagawa na nawalan ng trabaho.

Walang humpay din ang pagtaas ng maraming mga bilihin, isama pa natin ang walang katapusang gastusin sa bahay. Sa kabila ng napakaraming hadlang na ito, nagawa pa rin ng isang masipag na ama na ito na makapagpundar ng isang maayos at magandang bahay para sa kaniyang pamilya.

Siya ay nakilala bilang si Henry Tugot. Sa halagang Php50,000 ay nakapagpundar siya ng isang maayos na tahanan para sa kaniyang pamilya.

At ang mas nakakamangha pa rito ay natapos ang paggawa ng bahay na ito sa loob lamang ng 25 araw! Kung marami ang namomroblema sa atin dahil sa mahal ng materyales o mahal ng labor ngayon sa pagpapagawa ng bahay, para kay Henry ay talagang siya na mismo ang gumawa ng paraan at nag-ipon ng pera paunti-unti mula sa kaniyang pa-extra extrang trabaho.

Makikita pa nga sa ilang mga larawan na na-iupload online ang naging pagsisimula hanggang sa natapos ang kanilang bahay. Ang bahay na ito ay mayroong sukat na 14×16 ngunit kumpleto ito mula sa kwarto, sala, kusina at mayroon pang terrace.

Dahil sa likas na mainit sa bansa ay mayroon ding maliit na airconditioning unit upang mas maging komportable ang pamilya. Talaga namang marami ang mga netizens na namangha dahil sa na-maximized talaga ni Henry ang buong sukat ng kanilang bahay.

Tunay nga na walang imposible sa taong mayroong inspirasyon at pangarap sa buhay. Kung kaya naman sa gitna ng maraming mga pagsubok at hirap sa buhay ay huwag dapat tayong sumuko bagkus ay mas maging positibo at mas matatag pa.

Hindi lamang ito para sa ating sarili kundi para na rin sa ating pamilya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.