Connect with us

Viral

Sana all! Nakatanggap ang bagong kasal ng money cape at money crown mula sa kanilang ate bilang wedding gift!

Published

on

Tayong mga Pilipino ay talaga namang sama-sama pagdating sa mga pagtitipon ng pamilya. Isa na marahil sa mga pagtitipon na ito ang kasal. Ang kasal kasi ay hindi lamang pagsasama ng dalawang taong nagmamahalan kundi pagiging isa rin ng kanilang mga pamilya.

Dahil dito ay talagang binibigyang halaga ito ng maraming mga Pilipino. Kamakailan lamang ay marami ang nagulantang nang makita ang mga larawan ng isang bagong kasal.

Marahil ay marami sa atin ang nakakaalam ng pagsasabit ng pera sa damit ng bagong kasal ngunit para sa bagong kasal na ito, money cape at money crown lang naman na puro 500 piso ang isinabit at inilagay sa kanila! Talaga namang literal na mapapa-sana all ka na lang.


Ang naturang mga larawan ay muka sa Facebook account ni Dioralyn Estacio-Escarpe. Ayon pa sa naturang post ay regalo pala ito ng kanilang ate sa kanila.

Ang ate nila na ito ay isang Overseas Filipino Worker (OFW) sa HongKong. Walang hanggang pasasalamat naman ang sambit ng bagong kasal dahil sa mapagbigay nilang ate.

Hindi lamang pala ito ang mayroon sa kasal nila dahil mayroon ding money cake na 8 layers at money lechon! Talaga namang pasabog ang bonggang wedding gifts ng kanilang ate.

Napakasarap sa pakiramdam ang magkaroon ka ang kamag-anak o kapamilya na grabe kung magbigay ng sorpresa para sa iyo at para sa iyong minamahal. Hindi lahat ay nabibiyayaan nito kung kaya naman talagang naging napakasaya at hindi malilimutan ng kasalang ito.

Naging napakaespesyal ng araw na ito para sa bagong kasal at sa mga taong imbitado rito. Tunay nga na sa kabila ng pandemya ay napakarami pa rin nating dapat ipagpasalamat sa Diyos.

Hindi lamang ang ating buhay, kaligtasan, at kalusugan kundi maging ang mga taong nasa paligid natin na totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa atin lalo na sa mga taong minamahal din natin.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.