Connect with us

Viral

Isang single mom na nagsimulang mag-online seller sa halagang Php3,500 napalago ang kaniyang puhunan sa Php3.4 million!

Published

on

Marami na sa ngayon ang talagang hirap sa buhay. Marahil dala na rin ng pandemya ay marami nang nawalan ng trabahao at mga negosyong nalugi.

Ngunit para sa isang single mom na ito, hindi pa huli ang lahat dahil talagang nagsumikap siyang makamit ang kaniyang mga pangarap para na rin sa kaniyang anak at sa kaniyang pamilya. Siya ay walang iba kundi si Vannerie Picar. Sinubukan niya ang online selling sa puhunan na Php3,500 lamang.

Enero 2022 ay nag-post siya sa kaniyang social media account at ditto niya ibinahagi ang kaniyang karanasan.
“Na-o-overwhelm po ako and I have no words to express how I feel.” Pahayag niya.

Naibahagi na rin niya sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) ang kaniyang kwento at talagang nagbigay ito ng inspirasyon sa marami. Noon ay nagtatrabaho siya bilang isang guro ngunit kinailangan niyang magbitiw sa kaniyang trabaho dahil sa maselan niyang pagbubuntis noong 2018.


Kasabay nito ay niloko pa siya ng lalaking nakabuntis sa kaniya kung kaya naman mas lalong naging mahirap ang lahat para sa kaniya.

““Habang buntis ako, muntik nang mamatay yung baby ko. Nung iniluwal ko naman siya, pahirapan ang paghingi ng sustento at suporta kaya pinilit kong tumayo sa sarili kong paa.” Salaysay ni Vannerie.

“Bilang single mom, isa kasi sa mga struggle namin yung panghihingi ng sustento, ng supporta. Gusto kong iangat ang image naming mga single moms na kaya namin. Kaya naming umangat.” Dagdag pa niya.

Naging call center agent din siya noon ngunit hindi talaga naging sapat sa kanilang mag-ina ang kaniyang kita. Kung kaya naman pinasok na rin niya ang online selling ng mga beauty products.

Dahil marami na rin ang nagtitinda online, naisipan niyang magkaroon ng isang marketing strategy kung saan siya na mismo ang gagamit ng mga paninda niya at ipapakita niya sa kaniyang mga kostumer kung gaano ito kabisa. Kalaunan ay nakilala na siya at mas marami na ang nagtiwala sa kaniya.

“Hindi ko inaakala na mararating ko yung Php3.4 million na total purchases ko. Noong nakita ko iyon sa TikTok region, iyak nang iyak talaga ako. Nag-flashback lahat ng hirap na pinagdaanan ko bilang ina, bilang worker, bilang online seller, bilang isang anak.” Kwento ni Vannerie.


Tunay nga na walang imposible sa taong nais maging matagumpay sa buhay. Kahit pa siya ay isang single mom.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.