Connect with us

Viral

Isang OFW na pauwi na ng Pilipinas, hinabol pa ng kaniyang alagang bata dahil sa ayaw nitong mawalay sa kaniyang nanny!

Published

on

Noon pa man ay marami na tayong mga kababayan ang talagang sumusubok na magtrabaho sa ibang bansa. Sa paraan kasing ito ay mas magkakaroon sila ng pagkakataon na maiahon ang kanilang mga pamilya sa hirap at mapaghandaan ang kinabukasan ng kanilang mga anak.

Ngunit ang lahat ng ito ay mayroong kapalit na sakripisyo. Sakripisyong hindi makapiling ang pamilya sa ilang taong pagtatrabaho at magtitiis na lamang mag-isa sa dayuhang bansa.

Napakahirap ng ginagawang sakripisyo ng ating mga kababayan, matupad lamang ang pangarap nila sa kanilang mga mahal sa buhay. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang naibahaging kwento ng isang OFW myla sa Saudi Arabia.

Siya ay walang iba kundi si Francine Jennifer Pascual. Kahit kasi nasa airport na siya ay tila ayaw pa rin siyang paalis ng kaniyang alaga.

Siya ay nagtrabaho bilang isang domestic helper at sa limang taong pamamalagi niya sa pamilya ng kaniyang amo ay inaalagaan niya ang batang babae na ito. Halos sa kaniya na lumaki ang bata kung kaya naman talagang gusto nitong sumama na sa kaniya pauwing Pilipinas.

Kahit pa ipinaliwanag naman niyang hindi maaari at ang kaniyang mga magulang ay iiyak kapag sumama siya sa kaniyang nanny ay wala raw itong pakialam.

“Ito ‘yong pinakamasakit sa lahat e. ‘Yong halos ikaw nag-aruga at nagpalaki, naging anak mo sa loob ng limang taon tapos magkakahiwalay kayo pagkatapos ng ilang taon,” Pahayag ni Francine sa kaniyang post.

“‘Yang batang babae na umiiyak, halos paglabas niyan, ako na ang nag-aruga. Tumatabi sa pagtulog ko hanggang sa lumaki at nabuntis uli ang nanay nila,” Dagdag pa niya.

Talaga namang maraming mga Pilipino rin ang naka-relate sa ganitong tagpo dahil maging sila ay nakaranas din ng ganitong klase ng pagmamahal mula sa kanilang mga inalagaan noon. Kung maaari nga lamang na isama na lamang ni Francine ang kaniyang alaga sa kaniyang pag-uwi ngunit ito ay imposible dahil mayroon din siyang sariling pamilya.

 



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.