Connect with us

Viral

Isang ama na handang magtrabaho ng 24 oras mabilhan lamang ng cake ang kaniyang anak sa kaarawan nito, inulan ng tulong mula sa mga netizens!

Published

on

Hindi kayang tiisin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Marahil ay madalas na nating naririnig ito sa ating mga lolo at lola, maging sa ating mga magulang.

Maaaring matiis ng mga anak ang kanilang mga magulang ngunit hinding-hindi kayang tiisin ng mga magulang ang kanilang mga anak. Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng publiko ang kwentong ito ng isang ama na nag-post mismo sa Valenzuela Online Palengke kung sino ang nais na magpabili o mag-paservice dahil gusto niyang makaipon ng pera pambili ng cake ng kaniyang anak.

Dahil nalalapit na ang kaarawan ng kaniyang anak ay pinilit niyang makahanap ng extra na trabaho sa loob ng 24 oras lamang. Talaga namang ang puso ng isang magulang ay hindi matatawaran at hindi mapapantayan.

Napakasimpleng cake lamang ang nais nito para sa kaarawan ng kaniyang anak. Kung kaya naman talagang dinagsa ito ng tulong mula sa maraming tao.

“Baka po may ipapautos or ipapabili kayo riyan pa-service. Birthday kasi ng anak ko bukas need ko lang makaipon ng pambili ng cake niya. PM n’yo po ako agad. Available po ako ngayon, 24 hours. Salamat po,” ito ang post ng ama sa social media.

Napakaraming mga netizens ang nag-react at nagkomento sa naturang post. Mayroong iilan na nag-pledge ng palabok, pizza, chicken wings, at marami pang iba.

Hindi akalain ng netizen na si Jh En, ang taong nagbahagi ng kwentong ito online na marami pa rin palang mga mabubuting tao sa ating paligid. Hindi man nila tayo kadugo o kakilala ay handa silang tumulong para sa munting kasiyahan ng ibang tao.

“Share ko lang kasi na-amaze ako. Sana ma-receive n’yo rin ‘yong naramdaman ko after reading the comments. May nagpost sa Valenzuela Online Palengke tapos ito ‘yong comment section. Grabe kayo, mga ma’am at sir,” Pahayag ni Jh En.

“Grabe, nakaka-touch naman. Nakakaiyak habang binabasa. Ang dami pa rin talagang mababait na Pilipino,” Komento naman ng isang netizen.

Tunay ngang buhay pa rin ang pagbabayanihan at pagtutulungan nating mga Pilipino gaano man kahirap ang buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.