Connect with us

Showbiz

Napakaganda at batang-batang larawan ni Kris Aquino, binalikan at hinangaan ng publiko!

Published

on

Kilalang-kilala at talagang sikat na sikat si Kris Aquino kahit pa noong kabataan nito. Talaga namang marami rin ang humahanga sa kaniya dahil sa angkin niyang kagandahan at angkin niyang talento bilang isang artista.

Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng publiko na ang kaniyang kaarawan ay ika-14 ng Pebrero na nakasanayan na rin nating mga Pilipino na ipagdiwang bilang Araw ng mga Puso. Sa ngayon ay 51 taong gulang na siya at marami na rin siyang nakamit sa kaniyang buhay.

Siya ay aisang mahusay na TV host, dahilan na rin upang bansagan siya bilang “Queen of All Media”. Isa rin siyang de kalibreng aktres, producer, socialite, at businesswoman.

Marami na siyang nagawang pelikula at talagang marami ang namangha sa kaniyang mga naging pagganap lalo na sa ilang horror movies. Samantala, hindi na rin mabilang ang kaniyang mga nagawang talk show hosts na talagang sinubaybayan ng publiko.

Taong 2005 ay ikinasal siya sa basketbolistang si James Yap at nagkaroon sila ng isang anak na pinangalanan nilang James Carlos (Bimby). Mayroon din siyang anak sa aktor na si Philip Salvador na nakilala natin bilang si Joshua (Josh).


Taong 2021 naman ay ikinatuwa ng lahat ang pagsasapubliko nila ni Mel Senen Sarmiento ng kanilang engagement. Ngunit Enero din ng sumunod na taon ay ipinahayag ni Kris na hindi na matutuloy ang kanilang kasal dahil nagkasundo silang maghiwalay na.

Ito ay dahil na rin sa hindi mabuting kalusugan ngayon ni Kris na mayroong isang “rare condition” o karamdaman na talagang nangangailangan ng atensyong medikal. Ayon kay Mel, ayaw daw niya sanang makasama pa sa kalusugan ni Kris ang kanilang relasyon at madalas na pagsasama kung kaya naman siya na mismo ang nagdesisyon na lumayo na sa kaniya.

Nalulungkot man daw siya dahil dito ngunit batid ng dating DILG secretary na ito ang mas makakabuti sa batikang TV host. Sa ngayon, dalangin ng marami ang tuluyan niyang paggaling mula sa kaniyang karamdaman.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media