Connect with us

Viral

Tindero ng isda at asawa nito nakabangga ng isang Lamborghini, labis na nagulat sa naging reaksyon sa kanila ng mayamang lalaking nagmamaneho ng sasakyan!

Published

on

Sa araw-araw nating buhay ay hindi naman talaga natin maiiwasan ang makaranas ng aksidente. Maaaring tayo ang maaksidente o di kaya naman ay tayo ang maging dahilan ng aksidente.

Ngunit paano nga kaya ang gagawin ng isang matandang mag-asawa na kapwa nagtitinda lamang ng isda kung isang mamahaling sasakyan ang hindi nila sinasadyang mabangga? Ang kwento ng isang matandang mag-asawa na ito at isang mayamang lalaki ay talaga namang umantig sa puso ng publiko.

Naganap ito sa Nonthaburi Province. Hindi sinasadya na nasagi ng kanilang luma at munting sasakyan ng mag-asawa ang isang mamahalin at magarang Lamborghini sa daan.

Kitang-kita sa mga larawan ang gasgas na natamo ng magarang sasakyan ngunit malaki din ang naging sira sa sasakyan ng matandang mag-asawa. Namutla at talagang nabigla ng sobra ang mag-asawa dahil sa nangyari.

Hindi rin nila alam kung saan sila kukuha ng perang ibabayad nila sa nasagi nilang sasakyan. Gayundin ay iniisip din nila kung paano nila ipapaayos ang sira ng kanilang kotse.


Agad namang humingi ng tawag ang mag-asawa sa mayamang lalaki. Sila raw ay nagtitinda lamang ng isda kung kaya naman wala silang kakayahan na bayaran agad ang sira ng magarang sasakyan.

Bagkus ay huhulugan na lamang daw nila ang magiging gastos sa pagpapaayos nito. Dahil sa napansin ng mayamang lalaki na taos puso naman ang paghingi ng tawad ng mag-asawa ay hindi na niya ito pinagbayad pa.

Bagkus ay sinabi na lamang nito na bilang kapalit ay kailangan nilang mag-donate ng 3000 Thai Baht sa isang templo ng makasampung beses at pagkatapos nito ay bayad na sila sa sirang natamo ng kaniyang sasakyan. Laking pasasalamat ng mag-asawa sa kabutihan ng mayamang lalaki.

Nangako din sila na tutuparin nila ang kanilang naging kasunduan. Tunay nga na napakapalad ng mag-asawa dahil isang mabuting tao ang kanilang nakilala nang mga oras na iyon.

Mayaman man ay hindi ito naging dahilan upang hamakin niya ang mag-asawa dahil sa pagkakamali na kanilang nagawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media